Chapter 29: Disagreed

22K 552 36
                                    


Linggo ngayon at wala kami masyadong ginagawang trabaho.

Umalis kasi si Ma'am Elizabeth kasama si Madame Claudia. Hindi nila ako sinama. Business daw kasi yun baka ma-bored lang daw ako kaya pinaiwan nila ako.

Humihikab ako habang naglalakad sa hallway. Aakyat nalang ako at maglilinis ng kwarto ni madame para hindi ako antukin. Nakaka-antok kasi pag walang ginagawa eh.

Nagwawalis na ako sa kwarto niya nung marinig ko na may bumukas at sumara ng pinto kaya napalingon ako para tingnan kung sino ang pumasok.

"Keith?"

Ewan ko pero pagkakita ko palang sa kanya ay napangiti na agad ako.

"I miss you."

Agad niya akong nilapitan saka niyakap.

Na-missed ko rin siya. Hindi ko itatanggi yun. Dalawang linggo kasi siyang wala eh kaya niyakap ko din siya.

"Any plans for today?" Tanong niya matapos ng yakapan namin.

Umiling ako.

"Let's go out," yaya niya sakin.

"Saan naman?"

"Kahit saan as long as it's a date with you," nakangiting sabi niya sa akin.

"Date?" Tumango siya.

Last time na nag-date kami ay parang hindi ko malunok ang pagkain ko dahil hindi ko nagustuhan ang lasa.

"Sige. Sasama ako sayo lumabas basta sa isang kondisyon."

"What is it?"

Napangisi ako. "Ako ang magsasabi kung saan tayo pupunta. Ako ang masusunod sa date na ito."

Nagtaka siya pero sa huli ay ngumiti din siya saka nag-smirked pa.

"Sure. I don't mind at all as long as I'm with you," sabi niya.

Natawa ako. "Ang baduy mo na ha," sabi ko saka lumayo na sa kanya. "Sige na mag ayos kana. Tatapusin ko lang ito tapos magbibihis narin ako," sabi ko.

"Okay. Make it fast, please."

"Opo. Alis na po," sabi ko.

Kasi naman matatagalan lang ako pag nandito pa siya. Mabuti nalang at umalis na din siya kaya tinapos ko na ang pagwawalis ko.

Okay naman na lumabas ako kasi sinabi sa akin kanina ni madame na pwede daw akong mamasyal kung gusto ko kasi linggo naman. Pero sabi ko ay wag na kasi wala naman akong gustong puntahan. Pero dahil nandito na ngayon si Keith, kailangan ko lumabas dahil nagyaya siya.

Na-missed ko rin kasi siya saka naisip ko na panahon na para sabihin ko sa kanya ang plano ko kasi malapit na talaga akong umalis. Magsisimula na kasi ang pasukan sa susunod na linggo. Ang bilis lang nga ng panahon. Nalulungkot ako pag iisipin ko yun. Kaya nga inaaliw ko nalang ang sarili ko at sinusulit ko na kasama sila. Lalo na ang makasama si Keith. Talagang ninanamnam ko bawat oras na kasama ko siya.

Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging situation namin pag nasabi ko na sa kanya ang pag alis ko at pag umalis na talaga ako.

"Ready na ako," sabi ko pagkababa ko.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa akin.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"That dress is too short for you," kunot noo na sabi niya.

Natatawang sumagot ako, "Hindi naman masyadong maikli eh. Ito na nga ang mahaba na nakita ko na abot hanggang tuhod. Saka hindi naman sosyal na lugar ang pupuntahan natin kaya okay na itong simpleng damit ko. Ikaw naman, medyo ok na yang suot mo."

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon