Four years later..."Our class Cum Laude for this school year 2020- 2021 is... Marianne Joyce Galve."
Nagpalakpakan ang mga tao habang ako ay nag aantay sa stage para tanggapin ang diploma ko.
Kakatapos ko lang mag-speech. Pinaghandaan ko to ng ilang araw at feeling ko okay naman siya kasi nagustuhan ng mga tao ang speech ko sa lakas ng palakpakan nila. Napaiyak at napatawa ko sila sa speech ko kaya natutuwa ako dahil yun ang gusto kong resulta nung speech ko.
Hindi mawala ang ngiti ko habang tinatanggap ang diploma ko. Umakyat din sina nanay at tatay sa stage para isuot ang medal ko sa akin. Pinicturan kami nina Marjorie sa baba at todo pose kasama sina nanay at tatay pati ang mga professors ko.
"Para po sainyo ito, nanay, tatay," sabay bigay ko ng diploma ko sa mga magulang ko pagkababa namin ng stage.
"S-Salamat, anak," humihikbi na sagot ni nanay sa akin.
Niyakap ko si nanay.
"Nanay naman, kanina pa po kayo umiiyak. Diba dapat masaya lang tayo?"
"Natutuwa lang ako, anak. Natupad mo narin sa wakas ang pangarap namin para sayo ng tatay mo. Ikaw ang unang nakapagtapos sa pamilya natin."
"Ay, iba po pala kayo matuwa, nanay. Sige, ibabalik ko na itong diploma ko para hindi na kayo umiyak."
Hinampas ako ni nanay sa braso. "Ikaw talagang bata ka."
Natawa sina Mario at Marjorie.
"Si ate talaga, sinisira mo naman ang pagda-drama ni nanay."
Napailing lang ako.
"Proud kami lahat sayo, anak," sabi naman ni tatay saka niyakap ako.
"Salamat po, tay."
Natapos na ang ceremony at pumunta kami lahat sa harap kasama ang mga classmates ko saka nag-class picture. Bumalik din ako kina nanay pagkatapos nun para kami naman ang magpa-picture.
Nasa gitna kami ng pagpa-family picture nung dumating sina Ate Doris, Ate April at pati na rin si Ate Pearl.
"Ria! Congrats!" Sabi nila sabay suot ng garland sa leeg ko.
"Salamat at nakapunta po kayo kahit may mga trabaho kayo."
Sila kasi kanina ang malakas na nag-che-cheer sa akin habang nagspe-speech ako pati na nung tinanggap ko ang diploma ko sa stage. Grabe ang supporta nila sa akin. Maswerte ako dahil nakilala ko sila.
"Nako, ok lang yun. Gusto din namin makita kang umakyat sa stage eh. Saka papayag naman si madame. Alam mo naman na malakas ka dun."
Napailing nalang ako. Madalas, ako lagi ang ginagawa nilang excuse kay lola dahil na rin sa alam nila na papayag agad ito basta ako ang dahilan. Ang kukulit nila at minsan nakaka-asar na pero mahal ko sila. Saksi sila sa lahat ng paghihirap at pagpupursigi ko.
"Masayang-masaya kami para sayo, Ria."
"Naiyak na rin si Ate Pearl," sabi ni Ate April.
Niyakap ko siya saka nginitian. "Salamat po, Ate Pearl. Naging malaking parte din po kayo ng buhay ko sa loob ng limang taon. Salamat po sa lahat ng tulong niyo sa akin."
Naputol ang pagyayakapan namin nung may naramdaman akong yumakap sa bewang ko.
Liningon ko ito at napangiti nung makita ko kung sino ang yumakap sa akin.
"Hello, little girl."
Ngumiti siya sa akin ng ubod ng tamis saka hinila ako na yumuko para magkapantay kami ng height. Sinabitan niya ako ng garland sa leeg saka hinalikan ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
Algemene fictieMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...