Nakangiti akong tinitingnan ang mag ama na masayang naglalaro sa garden.Ilang araw na din simula naging okay ang dalawa. Sobrang saya ko nung araw na nagkaayos sila.
Hindi rin ma-explain ang nararamdamang saya ni Sir Keith na sa wakas ay naging ok sila. Nagpasalamat pa siya sa akin pero sinabi ko na maliit lang naman ang tinulong ko.
"Aren't they cute?"
Napatingin ako kay madame na nandito na pala sa tabi ko.
Ngumiti ako sa kanya. "Opo. Teka madame, gusto niyo po ba ng maiinom? Pagkain? Ikukuha ko kayo."
"No, I'm good. Halika, maupo tayo. Mag usap rin tayong dalawa," sabi ni madame.
Simula nung magkaayos ang mag ama ay naging sobrang saya na ni madame. Lagi na siyang nakangiti lalo na pag nakikita ang dalawa na magkasama.
Masaya rin ako dahil mabait na siya sa akin. Para ngang close na kami minsan eh. Parang matagal na kaming magkakilala pero mag iisang taon palang naman ako dito.
Bigla kong naalala na malapit na rin pala akong umalis.
"Oh, anong meron sa mukha na yan?" tanong niya nung makaupo na kami.
Nag angat ako ng tingin kay madame.
"Eh kasi po, madame, may sasabihin po sana ako sainyo."
Natawa siya kaya nagtaka ako.
Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah? Alam na ba niya na aalis na ako tapos natutuwa siya na aalis ako?
"Ano yun? Na kayo na ni Keith?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mabilis akong umiling sabay sabing, "Hindi po."
Akala ko ay alam na niya. Iba pala ang pinagtatawanan niya. Hindi ko pa inasahan ang tinanong niya sakin.
Natawa pa siya lalo.
"Eh ano yun?"
Bumuntong hininga ako saka matapang na hinarap siya. Bahala na. Mabuti ng sabihin sa kanya ngayon palang kesa yung malapit na akong umalis. Mas mahirap yun.
"Madame, naalala niyo po ang sinabi ko na gusto kong makapag-ipon para makapag aral ako ng college?"
Tumango siya.
"Yes. Nagpapadagdag kaba ng sweldo?" sabi niya na kinatawa ko ng mahina.
"Kayo madame ha. Marunong na rin po kayong mag joke ngayon," sabi ko na kinailing niya.
"Nakakahawa ka kasi."
Napangiti ako sa sinabi niya. Natutuwa ako na magaan na ang loob niya sa akin.
"Pero, madame, seryoso na po. Gusto ko po sanang malaman niyo na nag-apply po ako ng scholarship. Tinulungan po ako ni Teacher Claire."
"Oh, that's good. Kailangan mo din ba ng tulong ko? May kailangan kaba bayaran? I am willing to help."
"Sa katunayan po, natanggap na po ako. Matagal ko na po kasi inasikaso iyon."
"Talaga? Good then and congratulations! Makakapag aral kanarin, and it's for free. Saang school ba yan? Anong plan mo? Hindi ka kaya mahihirapan mag-commute mula dito papunta doon?"
Doon na ako natahimik. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na magpapaalam na akong umalis.
Paano ko ba sasabihin na hindi siya magagalit o magtatampo?
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
General FictionMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...