Maagang nagising sina tatay para tumawag ng mga taong tutulong sa kanya sa pag-repair ng kotse na ayaw umandar.Mabuti nalang at dalawang oras lang ang hinintay namin bago naayos ang kotse. Ginising ko na ang mga bata para mag almusal saka bumyahe na kami pauwi.
Mga alas-diyes na nung tumigil ang kotse sa harapan ng bahay namin.
"Ipaliwanag mo nalang ng mabuti sa kanya, anak. Maiintindihan naman yun ng asawa mo," sabi ni nanay. Alam niya kasi na tumawag si Keith kagabi at nagalit dahil hindi kami nakauwi.
"Sige po, nay. Ingat po kayo." Nagpaalam na kami ng mga bata sa kanila saka bumaba na ng kotse.
Karga ko si Klyde gamit ang isang braso ko at si Kelly naman ay nakahawak sa kabilang kamay ko. Ganun ang ayos namin pagkapasok sa loob ng bahay. Sinarado ko muna ang pinto pagkapasok namin ng front door tapos nagulat ako nung makitang nakatayo ang asawa ko sa hindi kalayuan at nakatingin ng seryoso sa akin.
"Daddy!"
Agad na tumakbo si Kelly sa daddy niya para yakapin ito kaya nawala sa akin ang attention ni Keith at nabaling sa anak niya. Pero bumalik din sa akin nung matapos silang mag usap na dalawa.
Parang napako ang paa ko sa sahig nung makita ko na papalapit siya sa akin. Halatang galit siya dahil sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin. Napalunok ako nung tumigil siya sa harapan ko.
"K-Keith." Pinilit ko na ngumiti sa kanya kahit na kinakabahan ako sa loob-loob ko.
"Sabi mo maaga kayong uuwi. I waited here for three hours," mahina pero may diin na sabi niya. Galit nga siya.
"Kasi, Keith, inayos pa ni tatay ang kotse kanina saka lang kami nakauwi." Pinilit ko na lagyan ng lambing ang boses ko baka sakaling hindi siya tuluyang magalit.
"Kelly's teacher called me earlier to make sure that she wasn't really going to school. She missed her class just because you brought them there."
Napakunot ang noo ko.
"Anong mali sa pagdala ko sa kanila sa probinsya—"
"And I missed my work today because I have been waiting for you to come home!"
Napapiksi ako sa biglang pagtaas ng boses niya. Pati si Klyde ay nagising at naalimpungatan dahil sa boses niya.
"Hi, daddy!" Masiglang bati niya nung makita ang daddy niya.
Hindi nagawang ngumiti ni Keith sa anak niya pero hinalikan naman niya ito sa pisngi saka kinuha sa akin.
"Nine, please bring the kids to their room," utos niya kay Nine na agad naman nitong sinunod.
Nung kaming dalawa nalang ang naiwan ay humarap siya sa akin. Nandon parin ang galit sa mukha niya.
Feeling ko kailangan kong magpaliwanag kaya nagsalita na ako.
"Keith, ayaw kong mag-away tayo. Sorry dahil hindi ako nakinig sayo. Pero hindi naman masama ang pumunta ng probinsya. Hindi naman namin sinadya na masira ang kotse kaya hindi kami nakauwi kagabi."
"Exactly. You cannot control what is going to happen, so you should have listened to me, and you shouldn't have went there in the first place."
"Pero nangako ako kay tatay na sasama ako sa kanila. Hindi ko pwedeng bawiin yun."
"He'll understand if you say no."
Napakunot ang noo ko. "Ang dali sayo na sabihin yan dahil sanay ka na hindi natutupad ang pangako mo kina mama at lola. Ibahin mo ako sayo, Keith."
"D*mn it! Don't you ever go there, Ria!"
Napapiksi ako sa sinabi niya. Agad akong napakunot ng noo saka hindi makapaniwalang sinabi na, "Minumura mo ba ako, Keith?"
Parang natauhan siya sa sinabi ko at na-realized ang sinabi niya sakin kaya natigilan siya. Parang nagsisi siya sa sinabi pero agad din na bumalik ulit ang pagkaseryoso niya.
"You aren't going there again without my consent. Do you understand?"
Hindi ako nakasagot. Hindi naman tama yun. Parang ang kinalabasan ay siya lang ang masusunod sa aming dalawa pagdating sa bagay na yan.
Diba pag mag-asawa ay dapat dalawa kaming nagdedesisyon? Diba dapat e-consider niya rin ang mga gusto kong gawin?
"Keith, parang mali naman ata. Hindi mo hawak lahat ng desisyon ko. May karapatan din akong magdesisyon ng gusto kong gawin. Kaya bakit kailangang ikaw lang?"
"Of course, I'm your husband!"
"And I'm your wife! May karapatan din akong magdesisyon sa marriage na ito lalo na pag hindi na tama ang desisyon mo."
Napailing siya saka napatawa ng mapakla. "I was just thinking about the kids and your safety, Ria." Napapailing siya saka sinabing, "It's my fault. I was too loose on you simula nung umpisa kaya hindi mo ako magawang sundin ngayon."
Nagtaka ako sa sinabi niya. "Anong hindi magawang sundin? Ikaw nga ang unang na aalala ko pag may gusto akong gawin. Hinihingi ko agad ang opinyon mo."
"Yeah, but you are dominating when it comes to decisions most of the time. I'm the man here. I should be the one dominating this household."
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Kailan ako naging dominating sa bahay? Hindi ko na siya maintindihan.
Handa na sana akong sumagot nung agad na nag-ring ang phone niya kaya hindi ko nasabi ang gusto kong sabihin.
"Hello?"
Tiningnan ko lang siya habang sinasagot ang tawag. Nakita ko ang paghawak niya sa ilong niya saka minasahe ito habang napapikit pa ang mga mata.
"Okay. Tell him I'm coming. Make sure he's still there in my office when I get there. Don't let him leave mad."
Nakinig pa siya ng konti sa sinasabi ng kausap niya bago binaba ang tawag.
Agad siyang pumunta sa couch at kinuha ang suit niya saka sinuot yun tapos kinuha din niya ang susi na nakapatong sa mesa.
"Saan ka pupunta?" Habol na tawag ko.
"Office."
Yun lang ang sinabi niya saka nagmadaling umalis na hindi man lang nagpaalam.
Nalungkot ako.
Galit pa siya. Nakuha niyang umalis na hindi man lang nagpaalam
Hindi naman siya ganyan dati. Pag nag-aaway kami, hindi siya umaalis ng hindi maayos na nagpapaalam sa akin. Kahit galit yun, nagsasabi yun dati na aalis na siya at kung saan siya pupunta.
Nakuha niya pa ngang humalik sa akin noon bago siya umalis kahit na galit siya sakin. Pero bakit ngayon hindi na siya ganon?
12 May 2017
Miss Kae 💋
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
Genel KurguMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...