"Saan tayo pupunta?"Kakaalis lang namin ng bahay nila. Medyo naiilang pa ako dahil kaming dalawa lang at ito ang unang beses na sumakay ako ng kotse niya na at mamahalin pa. Parang feeling ko tuloy hindi ako bagay dito.
"Restaurant. We're going to eat lunch first," sagot niya habang nagdra-drive.
Tumango ako at binalik ang tingin sa labas ng bintana. Nakatanaw lang ako sa dinadaanan namin. Nakakaaliw kasi ang view. Hindi pa kasi ako nakapamasyal masyado dito sa Manila kasi naman nasa trabaho lang ako lagi. Wala akong oras para mamasyal.
"Dito na ba tayo kakain?" Tanong ko nung mapansin ko na tumigil na kami sa isang kainan na ang pangalan ay Seoul Garden.
Tumango siya sakin at ngumiti habang pinapatay ang makina.
"Eh bakit dito ka tumigil eh sa gitna pa tayo ng restaurant oh? Nakaharang ka," takang tanong ko sa kanya.
Narinig ko na mahina siyang natawa.
Magsasalita pa sana ako pero biglang may bumukas ng pinto sa gawi ko na kinagulat ko kaya lumingon ako dito.
"Hi, maam," sabi nito saka binigyan ako ng space para makadaan.
Nagtataka akong tumingin kay Keith na ngayon ay nakalabas na pala ng kotse at papunta na siya sa gawi ko.
Pumunta siya sa akin saka nilahad ang kamay niya.
"Let's go?"
Napangiti akong nung tinanggap ang kamay niya. Ang gwapo niya tingnan pag nakangiti siya ng ganyan. Mas lalo siyang gumwapo sa suit niya.
Nung makalabas na ako ay saka binigay ni Keith ang susi sa lalake kanina na bumukas ng pinto sa akin. May nakasulat sa shirt niya na VALET. Pumasok agad siya sa kotse ni Keith saka minaneho yun paalis.
"Keith, saan niya dadalhin ang kotse mo?"
"He'll park the car for me. It is what you called valet service," sagot niya habang papasok kami sa restaurant.
Tumigil kami nung may hostess na lumapit sa amin.
"Mr Keith Edison?" sabi ng babae.
"Yes."
"This way, sir," sabi ng babae na todo ngiti.
Sinundan namin siya at dinala niya kami sa table namin. Pinaghila ako ni Keith ng upuan kaya naupo ako doon.
Napatingin ako sa paligid at napansin ko na napaka-simple ng suot ko kumpara sa kanilang lahat na nandito.
Naka simpleng blue na dress lang kasi ako at hindi kataasan na heels na pinahiram pa sa akin ni Ate April kanina para daw hindi naman ako magmukhang alalay ni Keith.
Nanliit ako sa sairli ko pero hindi nalang ako titingin sa kanila para hindi ako makaramdam ng hiya. Ang importante naman ay sinabi sa akin ni Keith kanina na maganda daw ako sa suot ko. Yun nalang ang isipin ko. Hindi namab mahalaga ang sasabihin ng ibang tao eh.
"What do you want to eat?"
Bumalik ang tingin ko kay Keith na ngayon ay seryosong nakatingin sa menu.
Napakunot ang noo kong nakatingin sa menu dahil wala akong may napili. Ay hindi, wala lang talaga akong maintindihan sa mga nakalagay dito.
"Ikaw na ang bahala," sabi ko saka sinara ang menu booklet nila.
Nakikinig lang ako habang nag o-order si Keith sa server namin.
Umalis na din agad ito pagkatapos kunin ang order namin saka kami nag usap ni Keith. Kinwento niya ang tungkol sa mga lakad at bonding moments nila ni Kelly.
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
General FictionMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...