Chapter 25: Big Decision

16.7K 410 14
                                    


Ria's POV

"Ate, tama na."

Inabutan ulit ako ni Marjorie ng isang kahon ng tissue. Kumuha ulit ako ng tissue saka pinunasan ang sipon at mga luha ko na kanina pa tumutulo.

Mukha na akong nakakatawa dito pero hindi ko pinapansin yun dahil ang alam ko lang ay nasasaktan ako.

"Ria, tama na, hija," sabi ni lola na nakaupo sa tabi ko.

Awang-awa din siya sa akin.

Silang lahat ay naaawa sa akin. Kanina pa sila nakatingin sa akin habang humahagulgol ako dito. Hindi ako yung tipong iiyak ng ganito sa harap nila pero ang sakit kasi talaga sa puso yung nakita ko kanina. First time ko masaktan ng ganito ka grabe.

"Tulog na ang mga bata," sabi ni nanay na kakalabas lang ng kwarto.

"S-Salamat," naiiyak na sabi ko. Ayaw ko na makita ako ng mga anak ko na umiiyak. Ayaw ko sabihin nila na ganito kahina ang mommy nila. Kanina pa ako nagpipigil umiyak dahil kasama ko sila pero nung dumating kami sa bahay, hindi ko na napigilan maiyak sa sobrang sakit.

"Bakit kasi pumunta kapa doon? Makakatikim talaga sakin yang si Keith dahil sa ginawa niya sayo. Nakoo!" Nanggigigil na sabi ni nanay.

Pati sila ay naaapektuhan sa nangyayari sa amin ni Keith. Ayaw ko sana ipaalam kina nanay ang nangyari dahil ayoko na mas lalo pa silang mag-alala pero nangako ako kay nanay na hindi na ako maglilihim sa kanila. Isa pa, sobrang sakit na din kasi na parang sumabog na lahat sa puso ko kaya kailangan ko ng makakausap.

"Kaya pala ayaw ka suyuin. Kaya pala hindi parin kayo nagkakabalikan kasi may ibang babae na pala siyang binabalik-balikan," nakapamewang na sabi ni nanay. Halatang galit siya kay Keith. "Buti nalang wala dito ang tatay mo baka masugod niya ng wala sa oras yang asawa mo."

Napatikhim si Lola Claudia sa tabi ko. Napabaling ang pansin namin sa kanya.

"Sorry po sa mga sinabi ko tungkol sa apo ninyo. Hindi ko lang kasi mapigilan na magalit sa apo niyo dahil sa ginawa niya sa anak ko," paumanhin ni nanay.

Ngumiti ng tipid si lola saka nagsalita mula sa matagal na pananahimik. "It's okay. May karapatan kang magalit sa apo ko. Kahit ako man ay galit din sa nakita ko kanina. Pero wag muna tayong magbintang. Baka merong paliwanag si Keith tungkol sa nangyari kanina. Alam ko at ramdam ko na mahal niya si Ria. Kaya malakas ang kutob ko na may rason siya."

Napakunot ang noo ni nanay sa narinig habang ako ay napatigil sa pag-iyak.

"Ibig niyo pong sabihin, hahayaan natin siyang magpaliwanag??" Hindi makapaniwalang tanong ni nanay kay lola.

Hinintay namin ang sagot ni lola. Sa aming lahat, siya lang ang nakakakilala kay Keith ng lubusan kaya gusto kong marinig ang sasabihin niya. Baka kasi tama siya at baka mali ang iniisip ko. Pero nagulat ako nung umiling si lola.

"I know my grandson. He doesn't open up to us about what's going on in his mind."

Tama si lola. Kahit noon ay bihirang mag o-open up sa akin si Keith. Feeling ko pag nagkwe-kwento siya sakin, hindi buo yung kwento. Pero hindi ko pinapansin yun dahil alam ko naman na kahit mag asawa na kami, may privacy parin naman siya. May karapatan siyang sabihin sa akin kung ano lang ang gusto niya.

"Ano pong nasa isipan niyo?" Takang tanong ni nanay.

Hindi na ako nagsalita at nakinig lang sa kanila baka kasi pag nagsalita ako, baka maiyak lang ako.

Hinawakan ni lola ang mga kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Hija..."

"P-Po?"

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon