"Keith, inaantok pa ako."Nakapikit parin ako kahit na ilang beses na akong ginising ni Keith.
"Sweetheart, I am hungry. Gusto ko yung niluluto mong turon."
Napasimangot ako.
Simula nung malaman namin na buntis ako, lumala na ang cravings ni Keith. Nakakainis pala pag siya ang mag-crave kasi ako ang naaabala eh. Lagi niya akong ginigising sa kalagitnaan ng gabi at pag nagluto ako, minsan ayaw niya kaya nagluluto ulit ako.
Nakakainis na nga minsan pero nagtitimpi lang ako dahil kasalanan ko naman kung bakit siya ang naglilihi para sakin. Sana nga ako nalang ang naglilihi eh.
"Sige na nga," napipilitang sabi ko saka bumangon na sa kama.
Nauna siyang tumayo at saka inalalayan niya akong bumaba ng kama hanggang pababa papunta sa kusina.
"Umupo kalang jan. Bibilisan ko 'to."
Sumunod naman siya at umupo sa bar stool habang tinitingnan lang akong magluto. Mabilis lang akong natapos kaya ilang minuto lang ay kumakain na siya at sarap na sarap pa sa kinakain habang ako naman ay ilang beses ng humihikab sa tabi niya.
"Tapos kana ba?" Inaantok na tanong ko.
Tumango siya saka hinugasan ang kinainan niya saka umakyat na kami ulit sa kwarto.
"Thanks, sweetheart. Let's sleep now," sabi niya nung nakahiga na kami.
Tumango lang ako saka pinikit ang mga mata. Nakatulog ako kaagad dahil sa sobrang antok. Maaga pa ako sa trabaho bukas kaya siguradong puyat na naman ako nito.
Bigla akong naalimpungatan at napabangon dahil sa narinig ko na may nagsalita ng malakas.
Napatingin ako sa tabi ko at napansin ko na si Keith pala yung nagsalita. Nakita kong nakasimangot siya.
"Bakit, Keith?"
Tumingin siya sakin. "Bakit hindi mo ako ginising? It's already eight in the morning, late na ako sa meeting ko."
Napakunot ang noo ko.
Napatingin ako sa gilid at nakita ko ang orasan. Tama siya. Late na nga pero hindi lang siya, pati ako ay late na din.
"Paano kita gigisingin eh kakagising ko lang din? Saka hindi lang ikaw ang late, ako din late na."
Ginulo niya ang buhok niya saka padabog na tumayo at dumiretso sa banyo.
Dahil late narin ako at wala na akong oras para pansinin pa ang pagsusungit niya, sa kabilang banyo nalang ako naligo.
Halos sabay lang kami natapos magbihis dahil nung palabas siya ng kwarto ay palabas narin ako. Halos sabay din kaming naglakad pababa ng hagdan.
"Sobrang late na ako. Bakit kasi hindi ka nag-alarm?" Inis na sabi niya.
"Hindi naman talaga ako nag-a-alarm eh. Sana ikaw gumawa kasi ikaw nakaisip," inis din na sagot ko.
Pag umiinit ang ulo niya, umiinit na din ang ulo ko. Hindi naman ako ganito noon. Hindi ako sumasabay sa init ng ulo niya dati pero ngayon kasi iba na ang sitwasyon ko.
"So is it only my responsibility?" tanong niya saka dumiretso sa kusina. "No food??" kunot-noong tanong niya sa akin.
"Malamang. Sabay lang tayong nagising, diba?" Taas-kilay na sagot ko sa kanya.
"Late na nga wala pang pagkain. Tsk."
Doon na nag-init ang ulo ko dahil sa pagsusungit niya at parang ako lahat ang sinisisi niya sa lahat ng pangyayari.
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
General FictionMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...