Chapter 27: Worries

20.7K 524 16
                                    


Sinarado ni tatay ang pinto at umupo siya sa tabi ko habang si nanay ay nakatayo sa harap namin at nakapamewang.

Nabigla ako nung biglang piningot ni nanay ang tenga ko kaya napa-aray ako.

"Aray! Nay, masakit po!"

Binitawan niya naman ito agad pero masakit parin kaya napahawak ako sa tenga ko at nakangusong napatingin sa kanya.

Kunot-noo siyang nakatingin sa akin.

"Magpaliwanag ka, Ria. Bakit nandito ang amo mo? At bakit dalawa lang kayo?"

Sasagot na sana ako pero nagsalita pa ulit si nanay.

"Magsabi ka sa akin ng totoo dahil kung hindi, mas malala pa jan gagawin ko sayo," pananakot pa niya.

"Nay, nagpumilit po kasi siyang sumama para daw pormal na magpakilala sainyo."

Nanlaki ang mata ni nanay.

"At bakit naman siya magpapakilala sa amin ng pormal?? Wag mong sabihin sa akin na kayo na?? Nako kukurutin talaga kita sa singit pag sinabi mong oo."

Bigla akong kinabahan pero buti nalang hindi pa kami ni Keith. Ang sakit kaya makurot ni nanay sa singit.

"Hindi po kami," agad na sagot ko sabay iling pa ng ilang beses.

Biglang nanlaki ang mga mata ni nanay. "Wag mo sabihin sakin na buntis ka?! Kaya siya pumunta dito at hihingin ka samin para magpakasal?!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni nanay. Mas nakakagulat pa yung sinabi niya kesa nung niyaya akong mag-date ni Keith.

"Nako, nay, hindi po!"

"Eh bakit gusto niyang magpakilala?" taas-kilay na tanong niya.

"Kasi po, nay, n—nanliligaw po kasi daw siya sa akin," mahinang sabi ko.

Nakita kong nagkatinginan sina nanay at tatay dahil sa sinabi ko. Halatang nagulat sila sa narinig.

"Ano?! Nanliligaw sayo ang amo mo??"

Tumango ako kay nanay.

"Anak, totoo ba yan? Saka seryoso ba yun sayo? Baka naman pinaglalaruan kalang nun?" Sabi naman sa akin ni tatay.

"Tay, mukha naman po siyang seryoso saka lagi nga po siyang nag e-effort para mapasaya ako."

"Ria, baka nakalimutan mo na amo mo yan saka mayaman yan," sita ni nanay. "May itsura pa kaya hindi malabo na maraming nagkakagusto jan. Wala ba siyang ibang gusto? Bakit sayo pa? Ang daming magagandang babae jan sa mundong ginagalawan niya na kasing yaman nila."

Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi sa akin ni nanay. Para kasing sinasabi niya na hindi ako pwedeng gustuhin dahil hindi ako mayaman at hindi ako kasing ganda ng ibang babae na nakapaligid kay Keith.

Napayuko ako.

"Sorry, anak. Hindi yun ang ibig kong sabihin," sabi niya saka hinawakan ang kamay ko. "Gusto ko lang sabihin na ayaw kitang masaktan, anak. Kasi yung Keith na yun, may kaya siya sa buhay. Maraming babae ang nakapalibot dyan. Nag aalala lang ako na baka iwanan kalang niya at saktan pag may nakita siyang iba. Hindi ko gusto na maranasan mo yun, anak."

Napatingin ako kay nanay saka niyakap siya dahil nakita ko ang pag aalala sa mukha niya.

"Nay, naiintindihan ko po na nag aalala kayo at naiintindihan ko ang gusto niyong sabihin sa akin. Pero, nay, gusto ko din naman ho na sumaya at maranasan na magmahal."

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon