Chapter 17: Overheard

22.2K 530 26
                                    


Nakangiti ako habang naglalakad sa subdivision papunta sa bahay nila madame.

Tapos na kasi ang bakasyon ko at ngayon na ang balik ko. Na-late nga ako ng balik dito kasi dapat linggo ng gabi ako babalik pero umaga na ng lunes ngayon.

Ayaw kasi ako payagan ni tatay lumuwas dahil malakas ang ulan kahapon.

Napangiti ako dahil sa ilang araw na bakasyon ko sa amin, doon ko na realized kung ano ba talaga itong nararamdaman ko. Nakatulong sa akin si nanay nung kinumpira niya ang nararamdaman ko at yun ay ang may gusto ako kay sir.

Nung una kinabahan ako nung nalaman ko yun pero bakit ngayon natutuwa ako na babalik na ako at makikita ko siya?

Teka, hindi dapat ako matuwa.

Kailangan ko dapat pigilan at iwasan ang nararamdaman kong ito.

Nasa gate na ako ng bahay nila saka binuksan ni manong guard ang gate para makapasok ako. Binigyan ko siya ng dala kong puto at tuwang-tuwa naman siyang nagpasalamat. Hindi pa daw kasi siya nakapag almusal. Biniro ko pa na baka sinadya niyang hintayin ako makabalik para may pang almusal siya. Tuwing umuuwi kasi ako ay nagdadala talaga ako ng pagkain dito sa mansion.

Pagpasok ko ng main door nila ay hinanda ko na ang malaking ngiti ko at handa ng batiin lahat ng good morning ngunit hindi natuloy nung makita ko si Kelly na tumatakbo pababa ng hagdan.

"Kelly!"

Tinawag ko siya pero hindi niya ako nilingon at todo takbo lang siya palabas ng backyard nila.

Nagtaka ako. Mukhang bad mood ata siya? Nag alala ako kaya sinundan ko siya. Nilagay ko muna ang mga dala ko sa gilid at lumabas saka pumunta kung nasaan siya.

Nakita ko si Kelly na nakaupo sa sulok at nagtatago sa mini slide niya sa playground area.

Nilapitan ko siya at napansin ko ang nakabusangot na mukha niya.

"Kelly?"

Hindi siya sumagot.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya saka umupo. Umupo ako sa tabi niya.

"Kelly, okay kalang ba?"

Tumingin siya sa akin at nakita ko na basa ang mukha niya. Umiyak ba siya??

"I'm not okay!"

Umiiyak nga.

Nagulat pa ako nung nagtaas siya ng boses niya habang umiiyak.

"Anong problema? May umaway ba sayo? Sabihin mo sakin at papagalitan ko kung sino man iyon," sabi ko para patawanin siya at para gumaan ang loob niya.

Pero hindi yun ang nangyari dahil pagtingin niya sa akin ay mas lalo siyang sumimangot habang lumuluha.

"Kaya niyo po bang pagalitan si granny?"

Natigilan ako.

Ang lola pala niya ang rason bakit masama ang loob niya? Akala ko kung ano na. Baka pinagalitan siya ng lola niya kaya umiyak.

Natawa ako saka sumagot sa kanya.

"Hindi, pero pwede ko siyang kausapin na wag kang pagalitan ng sobra. Bakit ano bang ginawa mong mali bakit ka niya pinagalitan?"

Umiling siya.

"No. I didn't do anything bad. Granny didn't scold me either, but I cried because I overheard her talking to kuya, and she said to kuya that I am adopted!"

Nagulat ako. Literal na lumaki ang mga mata ko sa sinabi ng bata.

"Adopted? Ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Baka mali kalang ng rinig?"

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon