Kanina pa ako nandito at nakikinig sa usapan ng mag lola.Nasa pool area kasi si Madame Claudia at nag me-meryenda kasama si Sir Keith. Mukhang na missed ni madame ang apo dahil sa pinapakwento niya ito tungkol sa mga nangyayari sa buhay niya.
Gusto ko nga sana umalis kasi naiilang ako sa pasulyap-sulyap sa akin ni Sir Keith.
Ano kaya ang iniisip niya?
Pinag iisipan niya naba paano ako isumbong sa lola niya at kung paano ako paalisin dito? Sana hindi yan ang iniisip niya. Lagot ako.
"So how about your lovelife, apo? Porket busy ka sa negosyo hindi mo dapat kalimutan na may sariling buhay ka din. Ayokong tumanda kang mag isa."
Sa iba ako nakatingin pero pasimple akong nakikinig sa usapan nila.
Tahimik lang si Sir Keith at hindi agad sinagot ang lola niya. Na-curious tuloy ako. Totoo siguro ang sabi ni Ate Doris na wala itong lovelife. Hindi naman impossible yun dahil masungit siya. Wala sigurong tumatagal sa kasungitan niya.
Dahil sa na-curious nga ako, tumingin ako sa direksyon nila at parang tatalon ang puso ko nung maabutan kong nakatingin na talaga siya sa akin. Mula sa pagtataka ay napalitan ng pagkabusangot ang mukha niya dahil sa pagtingin ko.
Galit na naman ba siya sakin?
"Granny, why is she here? We're talking private stuff. She's not supposed to listen."
Aba aba! At ako pa ngayon ang pinag iinitan? Anong akala niya, nandito ako para makinig sa kanila? Lola niya kaya ang may gusto na dito lang ako.
Tumingin sa akin si Madame kaya napangiti ako ng alanganin.
Bumalik ang tingin niya sa apo niyang sobra pa sa babae ang kaartehan. "She'll be working with me for I don't know how long kaya mas okay siguro na kahit papano ay may alam siya tungkol sa pamilya natin. Besides, her job is to remain loyal to us. Hindi niya naman siguro ipagsasabi sa iba. Right, Ria?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya sa akin.
Tumango ako. "O-Opo."
"Kahit na, Granny. Her presence here is making me distracted. Can't she just go?"
Pinapainit talaga ni Sir Keith ang ulo ko. Akala niya siguro gusto ko ding makinig sa pinag uusapan nila.
Hindi naman ako interesado sa buhay niya eh. Kung alam niya lang na mas gusto kong nasa loob nalang ako kesa marinig ang usapan nila ng lola niya.
Tumingin ulit si madame sa akin at halata sa mukha niya na napapayag siya ng apo.
"Ria, you can go—"
"Ate Ria! Ate Ria!"
Napatingin ako kay Kelly sa pagsigaw niya ng pangalan ko.
Nasa kabilang banda siya ng pool area malapit sa pinto papasok ng bahay. Nakangiti siyang tinatawag ako.
Kumaway akong ngumiti sa kanya.
Bilis naman siyang tumakbo papalapit sa akin at saka tumigil sa harapan ko na nakangiti parin at nakatingala sa akin.
"Ate Ria, let's go play Just Dance again?"
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
General FictionMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...