"Dito ang kwarto mo. Magkakasama tayo dito pati na rin si Pearl. Ang uniform mo na susuotin bukas nabigay ko na, diba?""Opo. Salamat, Ate Doris sa pag tour sakin dito ha? Si Ate Pearl po ba masungit talaga yun? Ganun ba talaga yun?"
"Oo, masanay kana don. Masungit kasi malapit na siyang tumandang dalaga pero mabait yun pag pakisamahan mo lang ng maayos. Menopausal kasi." Sabay tawa niya.
"Ganun po ba? Sige, na matulog na po tayo dahil maaga pa tayo bukas."
"Sige, patayin ko na ang ilaw ha."
Tumango ako.
Sa taas ako nakahiga nitong bunk bed. Si Ate Doris sa baba. Mas payat daw kasi ako kaya mas mabuting sa taas ako hihiga.
Habang nakahiga ako ay inaalala ko ang pamilya ko. Naluha kanina sila nung paalis na ako. Nami-miss ko na tuloy sila. Wala pang isang araw na hindi ko sila nakikita ay parang gusto ko na umuwi pero hindi pwede. Kailangan ko gawin ito para sa kanila. Kailangan kong makapag ipon para makapag aral ako at makapag tapos bilang isang nurse para sa pamilya ko at pangarap ko.
Kakayanin ko ito.
Bago ako makatulog ay inisip ko ang pag tour sa akin kanina ni Ate Doris. Sobrang laki pala talaga nitong bahay. Ang daming kwarto na wala naman halos may natutulog saka may gym at library pa. Meron ding swimming pool at maliit na play ground saka golf course sa likod.
Sana maging maayos lang lahat habang nandito ako.
Mukhang mabait naman si Maam Elizabeth pero si Madame Claudia, kailangan ko pang amuhin dahil mukhang hindi niya ako gusto at masungit siya sa akin. Hindi ako susuko.
Isang Galve kaya ako. At ang sabi ni tatay, ang tunay na Galve, hindi sumusuko.
Alas sais palang ng umaga ay gising na ako saka mabilis na naligo at nagbihis. Tapos dumiretso ako sa kusina.
"Gusto mo ng kape?"
"Opo. Ako na mag titimpla."
"Ako na," alok n Ate Doris.
"Sige, salamat." Tumingin ako sa labas ng kusina habang nakasandal sa counter ng kusina. "Ilang po ba ang katulong dito?"
"Tatlo. Ako, si Pearl saka si April. Wala si April dito ngayon dahil naka bakasyon siya. Next week ako naman ang susunod na magbabakasyon."
"Ganun ba. Ilang araw naman kayo nag babakasyon?"
"Tatlong araw lang. Byernes hanggang Linggo every two monts at with pay yun kaya dapat gamitin mo. Meron ka din. Basta kausapin mo si Pearl dahil siya nag aasikaso nun. Sa unang linggo ng buwan ay si April, ako naman sa pangalawa, si Pearl sa pangatlo kaya tingin ko ikaw sa huling linggo ng buwan."
"Ganun po ba. Excited na tuloy ako umuwi. Gusto ko kamustahin sina nanay at tatay."
Inabot niya sa akin ang kape ko at nag pasalamat ako. Tinikman ko at ang sarap ng kape ha.
"Sino po yun?" Tanong ko dahil may nakita akong babae na nasa hagdan at paakyat siya naka uniporme din pero iba sa kanya kasi parang naka pants din siya gaya ko pero ibang kulay.
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
General FictionMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...