"Good evening, maam and sir."Ngumiti ako sa bumati sa aming usher na nasa entrance ng malaking yacht.
"Ang gara naman nito, Keith. Ang ganda ng theme ng party," sabi ko habang papasok kami ng yacht.
Nakahawak lang si Keith sa bewang ko habang naglalakad kami. May nagkikislapan na maliliit na ilaw sa mga sulok saka may mga artificial na bulaklak na kulay white at creme.
"Mr Flores owns this yacht and his daughter is an interior designer, but she's doing any kind of designing too, and she decorated this yacht for tonight's event."
Nanlaki ang mata ko. "Wow! Talaga? Ang galing naman niya." Tumango siya.
Napansin ko na malapit na kami sa function hall kung saan ang main area ng party. Madami ng mga tao doon.
"Keith, Ria, mabuti at nandito na kayo."
"Ma!" Nakangiting bati ko kay mama saka hinalikan siya sa pisngi.
Ganun din ang ginawa ni Keith kay mama.
"You look stunning, hija."
"Thanks, ma. Kayo din po. Parang hindi lang kayo tumatanda."
Natawa siya ng konti. "Just keep smiling. Yun ang sekreto ng mga bumabata," sabi niya kaya natawa ako. "Kamusta na ang mga apo ko? Kakabalik ko lang kanina kaya bukas ko pa sila dadalawin. Ilalabas ko sila, okay lang ba?"
"Okay lang, ma. Wala namang pasok si Kelly bukas saka miss na rin po nila kayo. Sigurado matutuwa ang mga yun na malamang nakabalik na kayo."
"But don't spoil them with toys, mom," sabi ni Keith na nakakunot ang noo.
"Ito naman si Keith, syempre mga apo ko yun. May pasalubong talaga ako para sa kanila. Lahat ng bansa na pinuntahan ko ay may mga binili ako para sa kanila."
Napailing si Keith. "You are like granny, you are both spoiling the kids."
"Keith, hayaan mo na. Minsan lang naman yan," sabi ko naman.
Napailing lang si Keith sa sinabi ko.
"Sige na, pumasok na tayo," pagyaya ni Mama Elizabeth kaya naman pumunta na kami sa function hall.
"Mr Flores!" Tawag ni mama sa isang matandang lalaki na naka-suit at mukhang respetadong tao dahil sa tuxedo na suot nito.
Humarap ang lalaki sa amin at ngumiti nung makita kami tapos lumapit siya sa amin.
"Mrs Edison, how are you? I'm glad you made it tonight," sabi niya saka nagyakap sila ng mabilis lang ni mama.
"Of course I won't missed your birthday party, John. We've been partners for years since my husband was still alive."
"Yeah, I miss that old silly husband of yours. Sigurado kung buhay pa yun ngayon, I'm sure talo parin siya sa golf tournament namin."
Natawa silang dalawa. Bumaling naman ang matanda sa amin pagkatapos nilang mag usap ni mama. "Oh Keith Edison, you are still looking good, young man." Tapos bumaling siya sa akin. "And who's this lovely woman?"
"She's my daughter-in-law, John. She is Keith's wife," sagot ni mama.
Nanlaki ang mga mata niya pero ngumiti din ng malawak.
"Ria, he is Mr John Flores, our business partner. He is a very close family friend of ours at bestfriend siya ng papa mo nung buhay pa siya."
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
Ficción GeneralMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...