Kumatok ako bago pumasok sa kwarto kung saan si Madame Claudia.Mula sa binabasa niyang libro ay umangat ang mukha niya at tumingin sa akin. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha niya na makita ako.
"Ria? Is that you?"
Ngumiti ako sa kanya saka lumapit para makita niya ako ng malapitan.
"Opo. Ako nga po, madame."
Napalitan ng pag aalala ang mukha ni madame nung masiguro niya na ako nga ito. Hinawakan niya ang isang kamay ko na kinabigla ko pero napangiti naman ako. Minsan lang kasi niya ako hawakan lalo na sa kamay.
Ibig sabihin ba close na kami ngayon?
"Akala ko hindi kana babalik. Sabi nga nila baka tumawag kanalang daw samin at sasabihin na mag re-resign kana."
Napakunot ang noo ko.
"Po? Bakit naman po ako magre-resign?"
Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. "I already know what happened when we were in the resort."
"Po?" Naguguluhang tanong ko.
"Keith told me that he confessed his feelings to you."
Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi ni madame. Parang tinubuan ako ng hiya.
"Napansin ko kasi ang pag hindi niyo pagpansinan at pag iwas mo sa kanya then kahapon hindi ka nakabalik dito. Doon na ako nagtaka na baka may iba talaga. Kasi never ka naman hindi bumalik sa araw na dapat ay balik mo kaya kinausap ko si Keith and asked him what happened, and he admitted to me."
Hinawakan ulit ni madame ang kamay ko. "Ria, I'm sorry about my grandson. He might have shocked you. Alam ko na hindi ka sanay sa ganoong bagay. Don't worry, sasabihan ko si Keith na layuan ka kung naiilang ka sa kanya."
"Nako, wag na po. Ok lang po talaga sakin yun. Hindi ko naman po siya pwedeng layuan kasi amo ko din po siya. Oo nga pala, madame, may gusto po sana akong itanong sainyo tungkol kay Kelly."
"What about her?"
"Kasi po kanina nakita ko siyang umiiyak. Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak. Narinig niya daw po kayo at si Sir Keith na nag uusap at narinig niya po na sinabi niyo na ampon siya. Totoo po ba yun?"
Halata ang gulat sa mukha niya. Literal na nanlaki ang mga mata niya.
"What else did she say?"
"Gusto niya pong malaman kung totoo o hindi na ampon siya. Totoo po ba ang narinig ni Kelly, madame?"
Umiwas siya ng tingin sa akin at parang may iniisip. Ilang saglit ay humarap siya sa akin saka nagkwento.
"She's not adopted," simula ni madame na kinangiti ko. Matutuwa si Kelly sigurado pag nalaman na hindi siya ampon. "She's a real Edison. Our blood runs in her."
Lumaki ang ngiti ko.
"Sigurado po na matutuwa si Kelly pag nalaman niya na kayo parin ang totoong lola niya—-"
"She's my great granddaughter."
Natigilan ako at inintindi ng mabuti ang sinabi ni madame.
Great granddaughter?
"I know you're confused. Remember when I told you that I talked to Keith earlier?" Tumango ako. "Yun siguro ang time na narinig kami ni Kelly. Pinagalitan ko kasi si Keith. Sinabi ko sa kanya na panahon na para magpakatotoo siya."
Ano naman ang kinalaman ng pagpapakatotoo ni Sir Keith sa situation ni Kelly?
"Hindi ko po kayo maintindihan."
Ngumiti siya sa akin saka hinarap ang mukha ko sa kanya. Nakayuko kasi ako dahil nag iisip ako. Hindi ko kasi ma-gets ang sinasabi ni madame.
"Kelly is Keith's daughter."
Agad akong napanganga sa gulat. Hindi ko inasahan ang nalaman ko.
"I'm not supposed to tell you this, but you are involved now. Sinabi ko sayo ang totoo baka makatulong sa pagsagot ng mga gumugulo sa isip mo at alam ko din na nag aalala ka para kay Kelly." Saglit na tumahimik si madame at nagsalita nung nakita niyang nakikinig naman ako.
"Keith had a relationship with this woman named, Sarina. He loved her so much and so was she. I did not know that they were in a relationship until she got pregnant. Keith told us that he wanted to marry her, and we agreed because she was already pregnant with Kelly. But then we heard that the woman didn't want to marry Keith, and I didn't know the reason why. She gave birth to Kelly without agreeing to the marriage. Keith loved her so much and was so protective of her. One day, I was shocked to hear that she killed herself."
Napasinghap ako sa narinig. Nagpakamatay ang mommy ni Kelly???
"They were in America that time. I saw how Keith grieved a lot when she died. He lost himself when he lost his woman. He was very devastated. He couldn't even take care of Kelly that's why Elizabeth and I decided to take the poor baby. Pinalabas namin na anak ni Elizabeth si Kelly dahil parang wala namang plano si Keith para sa anak niya. Nawalan siya ng gana sa buhay dahil sa pagkawala ng taong mahal niya."
Parang piniga ang puso ko sa nalaman. Nalulungkot ako sa pinagdaanan ni Sir Keith. Hindi ko akalain na nangyayari ang ganung pangyayari sa totoong buhay.
Anim na taon na si Kelly. Ibig sabihin, anim na taon na rin simula nung namatay ang mommy niya.
"Bakit po hindi niyo sinabi kay Kelly ang totoo niyang pagkatao?"
"I don't think she would understand in her age. Isa pa, we leave that business to Keith. He needs to tell Kelly the truth by himself."
"Hindi po ba niya tanggap si Kelly?"
Umiling si madame. "Not like that. Tanggap niya si Kelly pero ang hindi niya tanggap ay ang sarili niya na maging ama kay Kelly. He feels like he's not compatible to be her dad."
Inaalala ko ang mga panahon na magkasama silang dalawa. Sobrang sweet nga niya kay Kelly eh. Akala ko nga dati close lang silang magkapatid pero higit pa pala sa magkapatid ang relasyon na meron sila.
Matutuwa kaya si Kelly pag nalaman niya ang totoo na ang kuya niya ay totoong daddy niya pala?
"Ria, Keith looks tough but he is weak in the inside. Sana intindihin mo siya. I know na sayo lang siya nag o-open up kaya sana wag mo siyang layuan. Nung sinabi niya na may nararamdaman siya sayo, nabuhayan ako dahil baka naka-move on na siya sa dati niyang girlfriend. Ria, sana kausapin mo siya and advice him to do the right thing."
Kahit hindi ako sigurado kung kaya kong gawin yun ay tumango nalang ako, pero naaawa din kasi ako kay Kelly. Deserve niya na malaman ang totoo. Deserve din ni Sir Keith na i-trato siyang daddy ni Kelly.
"Thank you, Ria."
3 March 2017
Miss Kae 💋
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
General FictionMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...