Mahigit isang linggo na simula nung umalis kami ng bahay namin ni Keith.Simula nun, hindi man lang siya nagparamdam sa amin o kahit sa mga anak man lang namin. Ni hindi niya sila kinakamusta.
Alam kaya niya kung saan kami nakatira?
Nasasaktan parin ako hanggang ngayon. Hindi ko parin maisip na kaya akong tiisin ni Keith. Halos gabi-gabi ay umiiyak ako dahil naaalala ko siya. Nasanay kasi akong kasama ko siya pag natutulog. Hindi madaling kalimutan ang pitong taon naming pagmamahalan.
Naaalala din kaya ako ni Keith?
Parang ako lang ata ang nagdadamdam ng sobra sa aming dalawa.
Kahit ang mga bata ay hindi ko nakikitaan ng lungkot sa mga mata nila. Dumadaan ang mga araw na parang wala lang sa kanila ang nangyayari. Maiintindihan ko kung si Klyde kasi bata pa siya. Hindi pa niya alam ang nangyayari. Pero si Kelly, alam na alam niya ang situation namin.
Parang hindi naman alintana sa kanya na hindi namin kasama ang daddy niya. Parang normal lang lahat sa kanya. Hindi din nila hinahanap kung saan ang daddy nila.
Hindi ako makapaniwala na hahantong kami sa ganitong sitwasyon ng ganito kaaga. Ni hindi pa nga kami umabot ng limang taon na mag asawa.
Kahit mabigat ang dibdib ko, pinilit kong sumaya at magpakatatag para sa mga anak ko na umaasa sa akin ngayon. Sila ang pinagkukunan ko ng lakas. Nawawala ang pagod ko galing sa trabaho pag nakikita ko sila pag uwi ko at paggising sa umaga.
Pero naaawa na ako sa kanila lalo na kay Kelly. Maaga siyang gumigising para makapag-almusal at maligo tapos mag aabang kami ng jeep sa kanto. Sa umpisa ay nagrereklamo siya dahil sa pagod, init at siksikan pero ngayon parang medyo nasanay na siya. Hindi man niya sabihin pero alam ko na mas gusto niya na sumakay sa kotse kesa sa jeep.
Natanggap ko na ang sweldo ko kahapon kaya magta-taxi kami ngayon ni Kelly. Ihahatid ko siya sa school saka ako papasok sa hospital. Ganyan lagi ang routine namin sa umaga.
Nakakita na ako ng apartment na matutuluyan namin. Lilipat na kami doon sa linggo. Hindi gaanong kalakihan pero okay narin dahil may dalawang kwarto ito para sa amin ng mga bata at para kay Nine.
Ang mahal na kasi dito sa hotel saka medyo malayo ito sa school ni Kelly. Ako narin ang nag papasweldo kay Nine kaya todo kayod ako ngayon.
Hawak-hawak ko ang kamay ni Kelly habang palabas kami ng hotel. Kinakausap ko si Kelly habang naglalakad nung napahinto siya kaya napahinto rin ako.
"Kuya Rey??" Masiglang sabi niya.
Takang tiningnan ko ang tinawag niya at totoo nga, nandito nga si kuya at nakatayo ito katabi ng kotse na ginagamit ni Kuya Rey panghatid kay Kelly sa school.
Napakunot ang noo ko bakit nandito siya. Pinadala siya ni Keith? Ibig sabihin alam na niya kung saan kami nakatira?
Bakit hindi siya mismo ang pumunta para makita at maihatid ang anak niya?
"Hi, Kelly."
"Hello po! Are you here to pick us up, Kuya Rey? Pinapauwi na po ba kami ni daddy sa bahay?" Masiglang sabi ni Kelly.
Nakita ko ang pag aalangan sa mukha ni Kuya Rey kaya na-gets ko agad ang ibig sabihin ng reaction niya at yun ay ang hindi siya nandito para pauwiin kami sa bahay.
Bakit parang na-disappoint ako?
"Ah eh... Pinapunta kasi ako ng daddy mo dito, Kelly, para ihatid ka sa school."
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
General FictionMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...