Chapter 18: Insensitive

15.7K 404 18
                                    


"Sa wakas, naayos narin lahat ng gamit. Wew!" Pinunasan ni Marjorie ang noo niya dahil puno na ito ng pawis.

Nilagay ko ang walis sa storage cabinet saka hinarap siya. "Oo nga. Sa wakas natapos rin tayo. Salamat sa tulong mo, Marj."

Ngumiti siya sa akin saka umupo sa couch dito sa apartment.

Kakalipat lang namin kahapon dito sa apartment na nakuha ko. Hindi siya sobrang  mahal kumpara doon sa hotel at sakto lang ang laki para sa aming apat nina Kelly, Klyde at Nine. Konti lang ang space pero reasonable naman ang presyo.

"Ate, kailan mo ba sasabihin ito kina nanay? Nagtataka na sila bakit lagi akong umaalis. Minsan nasabi ko na dadalawin lang kita tapos gusto sana niyang sumama buti nalang na kumbinse kong wag na sumama."

Napaupo ako sa tabi ng kapatid ko.

"Sorry dahil kailangan mong magsinungaling para sakin. Gusto ko na talaga sabihin sa kanila kaya lang hindi ko pa alam ang isasagot ko pag tinanong nila ako kung ano ang nangyayari sa amin ni Keith at kung  saan hahantong ang relasyon namin. Hindi pa kasi kami nag usap ni Keith."

Napailing siya. "May plano pa bang harapin ka ni kuya, ate? Halos isang buwan na kayong umalis pero hindi parin siya nagpapakita sainyo."

Nalungkot ako sa sinabi niya dahil tama siya. Wala man lang itong paramdam sa amin ng halos isang buwan. Parang hindi kami naging mag-asawa sa loob ng tatlong taon kung tratuhin niya ako ngayon.

Kinalimutan na ba niya kami ng mga anak niya?

Ayaw ko magalit sa kanya pero habang tumatagal na hindi siya nagpaparamdam sa akin, parang gusto ko siyang sumbatan dahil hindi man lang siya nag-insist na mag usap kami para maayos ito. Parang pabor sa kanya ang situation namin ngayon. Minsan iniisip ko na baka tama nga si Marj, baka may ibang babae na si Keith kaya hindi niya ako sinusuyo na bumalik?

Hindi ako nakasagot sa kapatid ko. Buti nalang dumating ang dalawa kong anak para maiba ang pinag-uusapan namin. Nagpapaunahan sila sa pag upo sa lap ko. Magkasundo na magkasundo talaga ang dalawang anak ko.

"I'm done cleaning our room, mommy," sabi ni Kelly.

"Good job, anak. Thank you," sabi ko saka kiniss ang cheek niya.

"Mommy, wala po ba akong sariling room dito sa new house natin?"

"Sorry, anak, pero wala eh. Kasama muna ninyo si mommy sa kwarto kasi para kay Ate Nine ang kabila. Okay lang ba yun sayo?"

Tumango siya. "It's okay, mommy. This is better so I get to sleep with you and Klyde," sabi nito saka hinalikan ako sa pisngi na kinangiti ko.

"Mommy, I want food. I'm hungry."

Napatingin ako sa anak ko na isa na nakatingin sa akin.

"Anong gustong kainin ng baby ko? Ha?" tanong ko saka kinarga siya at pinaghahalikan ang pisngi.

"Chicken!" masiglang sagot niya.

"Sige, magluluto si mommy ng chicken."

"Yay!" Sabi niya sabay palakpak ng kamay.

"Ako magsasaing!" Sabi ni Marj saka dumiretso sa kusina at sinundan siya ng dalawang bata.

Sa ilang linggo kong pagtatrabaho, buti nalang nakaya kong e-budget ang gastusin namin. Minsan naisip ko na hindi ko na kayang pa swelduhin si Nine kaya lang naaawa ako pag nawalan siya ng trabaho saka walang magbabantay kay Klyde pag nasa trabaho ako. Kaya siguro okay narin na nandito siya kasama namin. Matagal narin kasi siyang yaya ni Kelly kaya ayoko naman na paalisin siya lalo na at hindi siya mismo ang nagsabi na gusto na niyang umalis.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon