"Good morning, Madame!"May malawak na ngiti at masiglang boses na binati ko ang bagong amo ko.
Hindi niya ako binati pabalik at hindi man lang din ngumiti sa akin.
"Don't just smile there. Get my clothes, so I can change."
Ay, oo nga pala.
Mabilis kong kinuha ang damit niya sa closet na bistidang floral na kulay green.
Tinulungan ko siyang hubadin ang night dress niya saka sinuot ang bistidang pambahay niya. Tinayo ko siya pagkatapos at tinulungang lumipat sa wheelchair niya.
Nakakatayo pa naman siya pero hindi masyadong stable kaya kailangan ng tulong.
"Take me to the bathroom."
Nag-toothbrush siya saka nagsuklay bago niya ako sinabihan na dalhin na siya sa baba para makakain ng breakfast.
Sa elevator kami sumakay pababa sa hapagkainan.
Ang sosyal ng bahay may elevator. Samantalang sa amin, hagdan lang pero sira-sira pa. Basta makaakyat at baba ka lang pwede na yun.
"Good morning, madame," bati nina Ate April at Ate Pearl sa kanya.
Pinwesto ko na siya sa kabisera ng mesa. Saka naman naglagay ng mga pagkain sa hapag ang mga kasamahan ko.
"Good morning, granny!"
Napatingin ako sa batang tumatakbo papunta sa direksyon namin.
Hinalikan niya si madame sa pisngi saka niyakap ng mabilis lang.
Granny? Lola niya si madame?
Siya ba si Kelly?? Abanang gandang bata. Manang-mana sa mommy niya.
"Hi, apo! How's our baby girl?"
"I'm okay, granny, but I'm hungry," sabi niya saka hinawakan ang tiyan.
Natawa naman ang lola niya at niyaya na siyang umupo para kumain na.
"Who is she, granny?" tanong ng bata habang nakatingin sa akin.
Napatingin sa akin si Madame pero hindi man lang ako pinakilala kaya ako na ang nagpakilala sa sarili ko.
"Hi, Kelly! Ako si Ria, ang caregiver ng lola mo."
"Ah, kayo po pala ang sinasabi ng mommy ko. Hello po! Nice meeting you po," magiliw na sabi niya.
Napangiti ako.
"Nice meeting you rin. Napakaganda mo namang bata." Saka mukhang mabait din na bata. Mabuti hindi nagmana sa lola niya. Mabuti sa mommy niya nagmana dahil si Maam Elizabeth ay palangiti din tulad niya.
Nagsimula na silang kumain at akmang lalagyan ko ng kanin ang plato ni madame nung tinapik niya ang kamay ko.
"I can eat by myself."
Agad naman akong tumango sa kanya. Tumingin ako kay Ate Pearl at sinenyasan niya akong umalis muna kaya nagpaalam akong sa kitchen nalang muna ako.
Hindi naman siya sumagot kaya umalis nalang ako.
"Wag mong pagsilbihan ng sobra si madame, ayaw nyan na ginaganyan siya. Ayaw niyang tinuturing na parang baldado. Samahan mo lang siya at gawin ang inuutos niya. Frustrated kasi yan sa condition niya ngayon kasi naging ganyan siya bigla. Samantalang noon, kahit ano ay kaya niyang gawin pati ang mag patakbo ng negosyo."
"Ganun po ba talaga pag nagkasakit, Ate Doris? Masyadong naging mainitin?"
"Siguro. Ikaw ba naman na mayaman tapos magkakaganyan ka, hindi mo man lang ma-enjoy ang pinaghirapan mo at ang gawin ang kahit anong gusto mo."
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
Fiksi UmumMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...