Chapter 12: Sadness

24.4K 592 19
                                    


Ilang araw ng nandito sa mansion si Sir Keith at sa mga araw na yun, ramdam ko ang lungkot at parang may pinaglalamayan siya sa nakita kong itsura niya.

Parang wala siya sa sarili at lagi nalang nasa bar counter at umiinom sa gabi.

Inu-obserbahan ko lang siya. Wala naman akong karapatan na tanungin siya pero feeling ko talaga may problema siya.

Ano kaya yung problema niya bakit sobrang lungkot niya nitong nakaraan?

Negosyo?

Babae?

Masakit paa niya?

O baka naman may...

Napatigil ako sa iniisip nung nakita ko na naman si Sir Keith na nasa backyard nitong bahay nila at malayo na naman ang tingin.

Hindi pa naman siguro ako kakailanganin ni madame sa oras na to kaya may time pa akong makipag chikahan.

Dahan-dahan akong umupo sa upuan na katabi nung kanya.

"Ang ganda ng araw no?" Masigla at nakangiti na sabi ko habang sa araw  nakatingin.

Napansin ko ang paglingon niya sa akin kaya lumingon din ako at binigyan ko siya ng malapad na ngiti.

Umiwas din agad siya ng tingin at binalik ang tingin sa ibang direksyon.

Ilang minuto ring walang may nagsasalita sa amin. Hindi ko kasi alam kung paano uumpisahan ang usapan eh hindi nga niya pinansin yung sinabi ko.

Bumuntung hininga ako saka nilakasan ang loob ko na tanungin siya.

"May problema po ba kayo, sir?" Nagsalita ulit ako kaya tumingin ulit siya sa akin. "Kasi napansin ko po nitong nakaraang mga araw na parang may gumugulo po sa isip niyo."

Natawa siya ng mapakla. "Am I that obvious?"

Natawa din ng mahina saka tumango.

"Sa tingin mo, ano ang problema ko?"

Napakunot ang noo ako sa tanong niya. Aba malay ko ba kung ano ang problema niya. Yan din kaya ang ilang araw ko ng pinag iisipan pero hindi ko parin alam kaya nga tinatanong ko na siya eh.

"Ewan ko po. Hindi naman siguro pera kasi mayaman naman po kayo. Pwedeng negosyo pero— teka sir, tungkol sa negosyo po ba?"

Hindi siya sumagot.

"Kung negosyo po yan, sigurado po akong malalampasan niyo yan. Saka po pag pwede na ay sana bawasan niyo ang pagtatrabaho para maka-relax naman po kayo. Nakaka-stress po kasi talaga yan."

Tumingin siya sakin. "Hindi ko pwedeng pabayaan ang negosyo."

"Hindi niyo naman po pababayaan. Magbabakasyon lang naman po kayo. Tutal mayaman naman po kayo. Hindi niyo na kailangan kumayod araw-araw."

Ayan na naman siya sa mga tingin niya. Parang pinag aaralan niya na naman ang mukha ko. Ang totoo, binibilang ba niya kung ilan ang nunal ko sa mukha?

"Rich people don't rest, Ria. Kaya nga yumayaman ang tao kasi hindi siya nagpapahinga para lang manatili silang mayaman. Dahil pwedeng sa isang pikit mo lang, bumagsak na agad ang negosyo. In business, you don't trust people so much. You have to be vigilant. Yes, we have the luxury at akala ng mga tao, pabakasyon-bakasyon lang ang mayayaman., which is not really true. Marami kaming tao na binabayaran para gumaan ang trabaho namin pero kailangan parin naming kumayod para manatili parin sa amin ang negosyo na pinaghirapan namin."

"Perob bakit may ibang mayayaman na  hindi marunong makuntento? Ilang milyon paba para makontento sila? Parang pera ang nagpapa-ikot ng mundo nila." Kunot noong tanong ko.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon