Chapter 28: Mommy

21K 559 28
                                    


"Mommy."

Patuloy lang ako sa paghugas ng plato. Sa isip ko ay napapakanta ako dahil sa sobrang saya ng puso ko ngayon.

Kakabalik lang namin ni Keith kahapon dito sa bahay nila mula sa probinsya.

Masaya ako dahil nag-adjust talaga siya nung nandoon kami sa bahay. Pinag-igib siya ni nanay ng tubig at buong puso naman niyang sinunod na walang reklamo.

Minsan, siya ang nagpapakain ng mga alagang manok ni tatay. At madalas, siya ang nagtuturo ng assignments ng mga kapatid ko at perfect daw ang scores nila lagi kaya tuwang-tuwa sila dahil ang tataas ng grades nila. Ang matalino kasi ni Keith.

Pero dahil strikta sina nanay, sa sala natulog si Keith at sa sahig siya humiga dahil hindi siya kasya sa maliit na sofa namin sa bahay. Naglagay lang kami ng manipis na mattress na hihigaan niya.

Na-amazed talaga ako na ni minsan ay hindi siya nagreklamo.

Minsan nga nag usap kami nung nandoon pa kami. Kinausap ko si Keith na hindi naman niya kailangan gawin lahat ng gusto ng pamilya ko pero ginawa niya parin. Masaya naman daw siya at hindi siya napipilitan. Madami daw kasi siyang first times na nagawa nung nandoon siya.

Pati mga kapitbahay namin ay gusto din siya. Palagi na ngang may nagdadala sa amin ng ulam sa bahay dahil daw sa gusto din nilang asikasuhin si Keith na unang beses lang nagawi sa amin. Nalungkot sila nung umalis na kami. Pati si Keith, nalungkot din. Gusto pa nga daw niya bumalik sa susunod.

"Mommy!"

Mas lalo akong napamahal sa kanya sa paglipas ng araw. Feeling ko hindi ko lang siya basta gusto kundi mahal ko na siya. Hindi naman kasi siya mahirap mahalin. Ginawa niya lahat para sakin. Si nanay ang nagpa-realized sa akin nito. Minsan kasi nahuli niya akong nakatingin kay Keith at nakangiti daw ako, hindi lang ang bibig ko kundi pati ang mga mata ko ay nakangiti. Sign daw yun ng taong inlove.

Kaninang umaga ay umalis si Keith dahil kailangan siya sa negosyo nila na nasa Turkey. Nagpaalam siya na babalik naman daw siya sa susunod na linggo. Kaya kahit malayo siya ay masaya parin ako dahil alam ko na iniisip niya rin ako at panatag na doon ang puso ko.

"Mommy!!!!"

"Ay, kabayo!" Gulat na sabi ko at nabitawan ko ang hawak ko na pinggan dahil sa malakas na sigaw na narinig ko.

Napahawak ako sa dibdib ko saka tumingin sa batang sumigaw na gumulat sa akin.

"Ginulat mo ako, Kelly. Bakit ka sumigaw?"

Napahagikgik siya sabay ngiti. "Kanina pa po kasi kita tinatawag pero hindi niyo po ako naririnig. Nakangiti lang po kayo."

"Ha? Tinawag mo ako? Hindi ko naman narinig na tinawag mo ako ah?"

Kasi pag tinatawag ako, kahit malalim pa ang iniisip ko ay maririnig ko parin basta tinawag ang pangalan ko.

"I said 'mommy' more than twice," sagot niya na medyo naiinis. Ang cute niya.

"Huh? Sino ang tinatawag mong mommy?" Takang tanong ko.

Kaya paano ako haharap kung mommy ang sabi niya eh hindi naman yun ang pangalan ko? Wait— mommy? Mommy niya? Ako?

"Kayo po. Sabi po kasi ni Yaya Nine saka ni Ate Doris ay tawagin ko na daw po kayong mommy kasi kayo daw po ang future mommy ko dahil kayo na daw po ng Daddy Keith ko."

Nagulat ako sa sinabi ng bata at tumingin ako sa gilid at tama nga ang hinala ko na may mga taong nakatayo sa pinto ng kusina. Nanunukso ang mga tingin nila sa akin.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon