Chapter 33: Newspaper

16.7K 377 7
                                    


Ria's POV

Ilang araw akong walang maayos na tulog simula nung huli naming pagkikita ni Keith. Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Nabigla lang ako nun dahil sa galit.

Galit ako sa kanya pero yung feeling na yun ang gusto kong mangyari pero ayaw ko din namang mawala siya sa akin.

Ang gulo ng isip ko.

Buong buhay ko ay wala akong ibang pinangarap kundi ang bumuo ng sarili kong pamilya at may makakasama ako habang buhay. Pero ngayon, mawawala na ang pangarap na yun. Hindi ako sure kung annulment ba talaga ang gusto kong mangyari.

Iniisip ko kung ano ang magiging buhay namin pag tuluyan na kaming naghiwalay ni Keith. Paano na ang mga bata? Hahatiin namin ang oras nila sa aming dalawa? Sigurado mahihirapan sila sa magiging situation kung sakali.

Malungkot ang puso ko sa mga sumunod na araw. Wala akong ibang ginawa kundi ang isipin siya. Kaya ko ba talagang iwan ang kaisa-isahang lalaki na minahal ko?

Sa mga sumunod na araw, ginugol ko ang oras ko sa mga anak ko at sa trabaho. Ang mga anak ko ang nagpapalakas ng loob ko. Ang hirap mabuhay na wala ang taong mahal na mahal ko pero nakaya ko paring ituloy ang buhay dahil sa mga blessings na ibinigay sa akin na naging inspirasyon ko para magpatuloy sa buhay at magsikap.

Nangyari na ang nangyari at kailangan kong tanggapin na ito na ang situation namin. Darating din ang araw na masasanay ako sa pagbabago sa buhay ko gaya nung paano ako nasanay na dumating siya sa buhay ko.

* * *

Niyaya ko ang mga bata na mag-ayos at magbihis dahil bibisitahin namin ang mga lola nila sa mansion. Wala kasi akong pasok ngayon kaya ito ang tamang araw para ipasyal sila sa mga lola nila at ng makapagbonding kaming lahat.

Gusto ko din kasing dumalaw doon para may makausap ako ng mawala itong iniisip ko sa isip ko at para narin maaliw ang mga bata. Lagi nalang kasi silang nasa bahay.

"Granny!"

Masiglang tumakbo si Kelly sa lola niya saka masayang binati ito.

"You are really so sweet, my darling Kelly," sabi ni lola nung niyakap siya ni Kelly.

Napahagikgik naman ang bata.

Napatingin sa akin si lola kaya ngumiti ako sa kanya. Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti saka lumapit sa kanya at pinahalik si Klyde sa lola niya.

Naglaro ang mga bata sa playroom nila. Hindi parin kasi iniba ni lola ang ayos dito sa mansion. Nandito parin ang kwarto nila Kelly at Keith pati na ang mga laruan ni Kelly sa playroom at sa garden.

Kami naman ni lola ay nag me-meryenda sa sala. Alam niyang may dapat akong e-kwento kaya niyaya niya ako sa sala habang naglalaro pa ang mga bata.

"Malungkot ang mga mata mo. Alam kong may problema ka."

Nginitian ko siya ng tipid. Ngumiti din siya sa akin pero yung ngiti na parang nakikisimpatya siya sa pinagdadaanan ko. Hindi ko tuloy mapigilan na mapaluha dahil sa emosyon na nararamdaman ko. Agad niya tuloy akong niyakap ng mahigpit.

Hindi siya nagsalita at hinayaan lang na umiyak ako sa bisig niya. Hinintay ko na kumalma ang sarili ko bago magsalita.

"M-Maghihiwalay na kami ni Keith, lola," naiiyak na kwento ko. Naramdaman kong hinaplos niya ang likod ko. "Hindi ko ata kaya, lola. Pero ako naman ang nagdesisyon nito," dagdag ko.

Hinawakan niya ang magkabilang-balikat ko saka nilayo ako sa pagkakayakap sa kanya. Tiningnan niya ako ng maigi sa mga mata. Parang binabasa niya ang emosyon ko.

"Sundin mo lang sinasabi ng puso mo nang sa ganun ay wala kang pagsisisihan sa huli," makahulugan na advice niya.

Ano nga ba ang gusto ng puso ko?

"Lola, hindi po ba kayo galit sa akin kung sakali na maghihiwalay kami ng apo niyo?"

Napatawa siya ng mahina.

"Bakit naman ako magagalit? Ako nga ang nag udyok sayo na magfile ng annulment, diba? Nung una ay biro lang yun para ma-alarma si Keith pero habang nagtatagal, parang gusto ko ng totohanin."

"Hindi niyo naman talaga gusto na maghiwalay kami diba?"

Ngumiti siya ng tipid.

"Tama ka. Hanggat maaari ay ayoko sanang maghiwalay kayong dalawa. Pero nasa sayo ang desisyon kung yun ba talaga ang dapat na gawin. Kahit anong desisyon mo, susuportahan ko. Marahil apo ko nga si Keith at normal na masaktan ako para sa kanya pero hindi ibig sabihin nun na siya lang ang iintindihin ko at hindi ikaw. Apo narin naman ang turing ko sayo, Ria. Isa pa, napamahal kana sa akin."

Hindi ko napigilan at niyakap ko ulit si lola. Sobra kasi akong natuwa sa klase ng pag-iintindi at pagmamahal niya sa akin.

Hinayaan ako ni lola na yakapin siya ng ilang minuto bago ako tumigil sa pag iyak.

Nung bumalik ang mga bata mula sa paglalaro ay doon narin kami kumain ng dinner kasama ang lola nila. Naging masaya ang pagdalaw namin sa mansion. Nung madilim na ay umuwi na kami sa bahay.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may pasok na naman sa trabaho. Meron din kasing pasok ang mga bata.

Nagluto ako ng fried eggs at hotdog para pang-almusal ng mga bata. Magluluto sana ako ng rice kaya lang wala na palang bigas kaya nagpasya ako na lumabas muna at bumili ng bigas. Tulog pa naman ang mga bata kaya may time pa akong bumili.

Noong nasa tindahan na ako ay tumigil ako sa isang pwesto kung saan may nagbebentang bigas. Umorder ako ng limang kilo ng bigas. Yun lang kasi ang kaya kong buhatin.

Habang naghihintay ako ay nagpalinga-linga ako sa paligid. Napadapo ang mga mata ko sa isang news stand sa gilid.

Ang tagal kong hindi nakapagbasa ng balita. Sobrang busy kasi ako kaya wala na akong time para magbasa ng balita. Hindi ako sigurado kung may time pa ba akong magbasa ng newspaper pero bumili parin ako. Bumalik agad ako sa nagtitinda ng bigas at kinuha ang binili ko. Pagkatapos bumili ay dumiretso na ako sa bahay at sinaing ang kanin.

Habang naghihintay ako na maluto ang kanin ay umupo muna ako sa kitchen para bantayan ang niluluto ko at ng makapagbasa naman ng balita habang nagkakape.

Nung nasa business section na ako ng newspaper ay bigla akong natigilan sa nakita kong picture.

Teka, si Keith ito ah?

Sikat nga pala siya pagdating sa business. Dapat hindi na nakakagulat na nakalagay ang pangalan at picture niya sa newspaper.

Binasa ko ang nakalagay sa article at nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa nabasa.

The Edision Group of Companies is experiencing bankruptcy. It is used to be as one the biggest companies in the nation for years now then why are they closing so soon?

Napatanga ako sa nabasa. Hindi ako makapaniwala. Wala naman siyang sinabi na may issue na ganito sa companya niya.

Sana sinabi niya yan sa akin. Kahit galit ako sa kanya, gusto ko paring makatulong.

19 July 2017
Miss Kae 💋

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon