Chapter 8: I Told You

17K 389 5
                                    


Tulak-tulak ko ang grocery cart kung saan nakaupo si Klyde paharap sakin.

Paubos na kasi ang stock namin ng pagkain kaya naman kailangan ko na bumili kasi ayaw ni Keith na nauubusan kami ng pagkain sa bahay. Gusto niyang may lamang pagkain lagi ang ref lalo na at magana silang kumain ng mga bata.

"M-My, want gummy bear."

Napailing ako. "Hindi pwede, anak. Matamis yun. Masisira teeth mo."

Nag-pout siya. Ang cute niya kaya hinalikan ko siya sa pisngi saka bumalik sa pagtingin ng mga bilihin.

"Ria?"

Lumingon ako at tiningnan kung sino ang tumawag sa akin. Nasa cashier na ako at sini-scan na ang mga pinamili ko.

Sa hindi kalayuan ay may babae akong nakita na kumakaway sa akin. Napakunot ang noo ko. Hindi ko kasi makilala kung sino siya.

Lumapit siya sa akin saka nagbeso.

"Ria, ako to. Si Cecil, yung katrabaho mo dati na isang nurse din sa hospital."

Napanganga ako.

"Cecil??"

Tumango siya. "Ako nga," sabi niya sabay ngiti sa akin.

Oh, my gosh. Si Cecil nga! Ang ganda niya lalo ngayon saka ang sexy niya parin.

"Kamusta kana? Grabe, ang tagal nating hindi nagkita."

"Oo nga eh. Ikaw kasi hindi kana nagparamdam matapos mong mag-resign. Anyways, ikakasal na ako."

Nanlaki ang mata ko. "Wow! Talaga?!" Nakangiting tumango siya. "Kaya pala blooming ka ngayon. Congrats ha!"

"Thank you! Attend ka ng kasal ko ha?"

"Sige ba. Basta invited ako—"

"Ma—myyy..."

Napatingin ako sa anak ko na nagsalita at kanina pa naiinip dahil nakabusangot na ang mukha niya.

"Yan na ba ang anak mo?"

Ay oo nga pala. Nakalimutan ko siyang ipakilala kay Cecil.

"Oo. Si Klyde. Klyde, say hi to Tita Cecil."

Tumingin lang si Klyde kay Cecil at nginitian naman siya ni Cecil pero dahil mahiyain siya ay yinuko niya ang ulo niya para magtago.

"Sorry, mahiyain kasi itong anak ko. Kabaliktaran ng ama niya lalo na ng ate niya."

"Okay lang. Ganyan talaga pag bata. Hindi kana ba nagtatrabaho ngayon? Sabagay sa yaman niyong yan lalo na ang asawa mo, hindi mo na kailangang magtrabaho."

Hindi ko alam pero nalungkot ako sa sinabi niya. Dapat matuwa ako pero kabaliktaran ang naramdaman ko. Feeling ko kasi parang wala akong silbi dahil hindi ako kumikita. Parang umaasa lang ako kay Keith.

"Ria, okay kalang ba? May nasabi ba akong mali? I'm sorry it I did say something that hurts you."

Agad akong ngumiti sa kanya saka umiling. "Nako, wala. Nami-miss ko lang kasi magtrabaho. Alam mo naman na pangarap ko talaga ang maging nurse, diba?"

"Oo. Naalala ko kung gaano ka kasaya tuwing pumapasok ka. Bumalik kana kasi kung yun naman talaga ang gusto mo."

"Gusto ko na din bumalik. Malaki narin si Klyde eh, pero ayaw pa kasi ng asawa ko. Kakausapin ko ulit si Keith."

"Sige. Balitaan mo ako ha?"

"Oo ba. Ikaw pa. Salamat at nakita kita ulit ngayon."

Nagpaalam na siya dahil may pupuntahan pa daw siya. Ako naman ay tinapos ko ang pamimili saka umuwi na. Ang driver ni Kelly ang sumundo sa amin sa grocery store tapos dinaanan narin namin si Kelly sa school para sabay na kaming tatlo na umuwi.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon