Sinundan ko si Keith palabas ng kwarto."Keith, nag-aaway nanaman ba tayo?" tanong ko sabay hawak ng braso niya. "Keith, I'm sorry. Sorry kung huli ko na sinabi sayo na binilhan ko sila ng maliit na bahay dito sa Manila. Alam ko kasi na mag i-insist ka na ikaw ang bibili kaya hindi ko sinabi sayo sa umpisa. Marami kana kasing naitulong sa amin lalo na sa akin. Ayoko naman na magdepend sayo sa lahat ng bagay lalo na sa pangangailangan ng pamilya ko."
Sinabi kasi noon ni Keith nung bagong mag-asawa palang kami na gusto niyang bilhin ng bahay sina tatay dito sa Manila para malapit lang sila sa amin at para hindi ko na kailangan bumyahe pa ng malayo para makita sila. Hindi ako pumayag na gumastos siya ng ganun ka laki para sa amin. Sa huli, napag isip-isip ko na tama siya na mas mabuting malapit sina tatay at nanay sa amin lalo na at buntis ako noon. Kaya sekreto kong binili ang bahay para sa kanila.
Nagtampo pa si Keith nung sinabi ko yun. Ilang beses ko siyang sinuyo bago mawala ang tampo niya.
Gusto niya daw kasi na magprovide din para sa pamilya ko. Alam ko naman na mabuti ang intention niya pero ewan ko ba kung bakit ayaw ko tumanggap ng tulong sa kanya. O baka nga dahil ayoko na may masabi ang ibang tao tungkol sakin at sa pamilya ko.
"But not only that. Pati sa mga anak natin, you are always stopping me to give something to them. I want to buy them a lot of toys, but you're stopping me. You always control all of the things in this house and in this family when I should be the one doing that because I am the man in this house. You know what, this is not me. I used to be the one who makes decisions especially for myself. I do not let anyone become more superior than me. It changed when I married you," may pait sa boses na pagkakasabi niya niya.
"S-So is it a bad thing na pinigilan lang kitang gumastos?" Halos lunukin ko ang sinabi ko dahil parang feeling ko iiyak ako anytime. "Bakit feeling ko sinusumbatan mo ako at parang ang laki ng kasalanan ko?"
"Because you are changing me! You do not let me decide things alone. It's always either you or both of us. There's no decisions made solely by me." Napabuntong-hininga siya pagkatapos magsalita.
Parang biglang lumabas din ang lahat ng sa loob-looban ko dahil inumpisahan niyang maglabas ng sama ng loob.
"Hindi naman ako ganun kadamot para hindi pakinggan ang gusto mo, Keith. Alam mong ginawa ko lahat para maging masaya ka. Lagi naman kitang ini-involve sa mga decision ah? Bakit mo naisip na hindi?"
"No, you don't involve me. If you did, huli na. Tell me, Ria, do you still treat me as your husband??"
"Of course, Keith," mabilis na sagot ko. Hindi ako makapaniwala sa tanong niya. "Mahal kita, alam mo yan. Araw-araw ay inaasikaso kita at pinaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Ikaw nga itong nag iba sa atin eh. Hindi kana kagaya ng dati. Nagbago kana. Wala na yung Keith na sweet lagi sa akin. Wala na yung Keith na lagi akong hinahalikan pagdating niya sa bahay at bago siya matulog. Wala na yung Keith na tinatawagan ako in the middle of the day at sinasabing miss niya ako. Wala na," sabi ko at napalunok sa huling sinabi ko. Nailabas ko narin sa wakas ang matagal ko ng kinikimkim sa puso ko.
Lumapit siya sa akin at tiningnan ako sa mga mata. "It is your fault why I became like that. Simula manganak ka, all your attention is on our kids! Dati, pinagtitimpla mo pa ako ng kape sa umaga. Dati, sinasalubong mo pa ako ng yakap paggising ko sa umaga pero ngayon, bawat gising ko wala kana sa tabi ko dahil sa mga anak nalang natin lahat ng attention mo. We don't even go on a date lately dahil ayaw mo laging iniiwanan sila. I understand that you care for them so much, and I care for them too. Pero paano naman ako, Ria? Are you ignoring me now because I already gave you a baby? Is that all you need from me?"
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
General FictionMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...