Chapter 16: Clueless

23.8K 600 20
                                    


"Nag enjoy kaba, Ria?"

"Opo, maam. Sobra. Salamat po sa treat niyo na bakasyon."

Tumango si Maam Elizabeth.

"Pero bakit parang may kulang sa ngiti mo? May problema ba, Ria?"

"Nako wala po, maam. Okay lang po ako."

"Sigurado ka?"

"Opo."

"Sige. Pag may problema ka o kaya kung kailangan mo ng tulong para sa pamilya mo, wag kang mahihiyang magsabi sa akin, okay?"

"Po?"

Hindi ko kasi inexpect na sasabihin niya yan. Sabi kasi nila mga madamot minsan ang mga mayayaman. Minsan nga matapobre pa daw eh. Ngayon alam ko ng hindi pala lahat.

"Yes, you heard it right. Marami ka ng naitulong sa pamilya amin. Kaya wag kang mahiya if you need help."

"Ah, sige po," sabi ko nalang pero ang totoo, wala akong balak humingi ng tulong sa kanila kasi nakakahiya. Hindi ko kaya humingi ng tulong sa amo ko.

"Ingat ka sa byahe mo."

"Salamat po, maam. Hindi na po ako nakapag paalam kay Kelly. Tulog pa po kasi siya."

"Sasabihan ko nalang siya paggising niya."

Ngayong araw na kasi ang uwi ko sa probinsya dahil nga sa 3 days off na binibigay sa amin every two months. Kahapon lang nga kami nakabalik galing sa resort tapos ngayon uuwi ako. Parang extended yung bakasyon ko.

Kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng kusina at naglakad na palabas.

Napakabait ni maam. Sana lang talaga wag siyang magbago. Sana lang din na tumagal pa ako sa kanila.

Nasa gate na ako nung may humila ng isang kamay ko dahilan para mapalingon ako sa kung sino man ang gumawa nun.

Nanlaki ang mga mata ko. As in literal. Bumalik na naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan na naman ako.

Bakit ganito ako pag kaharap siya?

May phobia kaya ako kay sir?

"Are you going home?"

Saglit akong napatitig sa kanya bago ako umiwas ng tingin saka sumagot.

"Opo."

"I told you to quit that opo," sabi niya pero nawala din agad yun. "You've been avoiding me since that night. Tell me the truth, ayaw mo ba sa ginawa ko? Are you mad at me?"

Napalunok ako sa tanong niya.

"Ria, don't you like me?"

Nanlaki ang mga mata ko nung marinig ang tanong niya.

"I have this weird feeling whenever I see you. I don't know how this happened. I couldn't even control it. That night, I was just going with the flow that's why I was tempted to kiss you. Sana alam mo kung ano ang ibig kong sabihin."

"Hindi ko maintindihan," takang sabi ko.

Lumapit siya sa akin at umiwas pa ako nung hahawakan na niya ako pero mapilit siya at lumapit parin siya saka hinawakan ang kaliwang pisngi ko. Naiilang ako sa pinaggagawa ni Sir Keith.

"Maybe this is one of the reasons why I started to like you. Your innocence makes  me come out of my shell and wanting to dig in more about you."

"B-Bakit niyo ako gustong makilala?" Nauutal na tanong ko.

Ngumiti siya sakin. "I think I like you."

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon