Pagkatapos nung party kahapon, umalis din agad si Maam Elizabeth dahil may mga appointments pa daw ito.Binilin niya sa amin ang mama niya at pati na rin ang mga anak niya.
Kakatapos ko lang painumin ng gamot si Madame. Nandoon na siya ngayon sa office room niya at ewan ko kung ano ang ginagawa. Pinapaalis niya kasi ako agad pagkatapos ko siyang ihatid doon.
"Ate Ria, you wanna play again?"
Napangiti ako nung sinalubong ako ni Kelly pagkababa ko.
Nawiwili ata siya na kalaro ako ah.
"Kelly, may inuutos kasi ang lola mo sa akin eh. Kailangan ko munang gawin yun. Saka diba dadating ang teacher mo ngayon? May lessons ka, diba?"
"Opo. Pero mamaya pa naman po yun."
"Ganun ba. Pero sorry ha? Kailangan ko munang gawin ang inuutos ng lola mo," sabi ko sa kanya kasi baka malagot ako pag inuna ko pa ang makipaglaro sa bata kesa ang sundin ang iniutos sa akin.
"I'll tell granny to—"
"Kelly."
Lumingon kami sa nagsalita.
Kakatapos lang niya ata mag jogging. Napansin ko kasi na maaga talaga siya gumigising para makapag jogging tapos babalik pag kakain na.
Pero ngayon, hindi siya nakabalik agad dahil hindi siya nakasabay sa almusal kanina. Baka may ibang ka almusal.
Sabagay may ka date nga kagabi eh.
"She has work to do."
"But Kuya, I want to play," reklamo niya sa nakakatandang kapatid.
"Come here, I'll play with you."
Lumiwanag ang mukha ni Kelly. "Really?? Wala kang work?"
Umiling si Sir Keith. Wow, first time! First time ko siyang nakitang ngumiti at sa kapatid palang niya.
Tuwang-tuwa naman na lumapit si Kelly sa kapatid niya.
Nakita kong napatingin pa sa akin si Sir Keith bago sila umakyat ni Kelly sa taas papunta sa entertainment room.
Umiwas lang ako ng tingin dahil hindi ko gustong tumingin sa kanya baka samaan niya pa ako ng tingin. Malay ko ba kung hanggang ngayon ay galit parin siya sakin.
Pumunta na ako sa kusina at gumawa ng bread pudding gaya ng utos ni madame. Gusto niya daw kasi kumain nun. Mabuti nalang marunong ako gumawa nun.
Natapos din ako mga halos isa at kalahating oras. Binigyan ko si madame ng isang slice pagkatapos kong magluto.
Paglabas ko ng kwarto ni madame ay saka naman lumabas sina Kelly at Sir Keith ng entertainment room.
"Kelly, halikana. Naghihintay na ang teacher mo sa library," sabi ni Nine kay Kelly at hinapit ang kamay nito.
Napansin kong kami nalang ni Sir Keith ang naiwan dito kaya agad din akong umiwas ng tingin saka naglakad na paalis. Binilisan ko ang paglakad pabalik sa baba at sa sobrang bilis ko ay muntik na sana akong mahulog sa hagdan nung may humawak sa bewang ko.
"Careful! Bakit ka kasi nagmamadali lagi??"
Umayos agad ako ng tayo at umalis sa pagkakahawak niya. Nailang kasi ako at sobrang kinabahan sa nangyari kaya hindi din ako nakasagot sa tanong niya. Saka ano namab ang isasagot ko don? Ayaw ko magsinungaling ulit no. Hindi naman pwedeng sabihin sa kanya na iniiwasan ko siya kaya ako nagmamadali lagi.
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
General FictionMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...