"Good morning!"Binati ko lahat na mga kasamahan ko dito sa hospital pagkapasok ko.
"Wow, ang hyper natin ngayon ah. Nakailang kape ka, Ria?" biro ng isang nurse na katrabaho ko.
"Kailan paba hindi naging hyper yan?" Natatawa namang sabi ng isa pang nurse.
"Ang ganda kaya ng araw para maging bad mood," sabi ko sa kanila saka nilagay na ang gamit ko sa cabinet para makapagsimula ng magtrabaho.
"Asus. Maganda lang naman ang gising mo dahil ikaw ba naman ang dumilat sa umaga na may gwapong katabi na asawa hindi ba sasaya ang araw mo? Siguro pag ako sa sitwasyon mo, mapupunit na ang labi ko sa kakangiti."
Napapailing akong natatawa sa sinabi nila. Lagi nilang pinupuri ang asawa ko. Gwapo daw kasi at maganda ang katawan. Inggit pa nga daw sila. Wala namang dapat ikainggit dahil tao lang din naman si Keith at madaming kailangan pakisamahan sa ugali niya. Madalas nga eh sobrang sungit niya lalo na nitong mga nakaraang araw.
Pero nami-missed ko siya. Nitong nakaraang mga araw kasi ay sobrang busy niya.
Paggising ko kanina, tulog parin siya. Mukhang pagod na pagod siya kaya hindi ko na siya ginising at nag-commute nalang ako papunta dito sa hospital.
Nagsimula na akong magtrabaho. Hindi ko alam pero sobrang saya ko pag andito ako. Masaya lagi ako pag pumapasok sa hospital.
"Lunch na. Saan ka kakain, Ria?"
"Ah, sa pantry lang. May dala akong baon eh," sagot ko saka tinapos ang pagcha-chart sa computer ng mga info tungkol sa mga pasyente na hawak ko.
Nauna na silang mag-lunch sa akin.
Nagta-type ako nung biglang dumating si doc sa harapan ko.
"Hi, Doc Terrence. Kamusta po?" Nakangiting bati ko sa kanya sabay tayo.
Natawa siya na kinataka ko. Ewan ko bakit lagi itong natatawa pag kausap ako. Mukha ba akong clown?
"Ria, I told you for the nth times, wag mo akong i-'po' because your husband and I are good friends. Speaking of Keith, I don't see him come here anymore. Is he busy?"
Magkaibigan si Keith at Doc Terrence, na ang asawa ay si Vanessa na ubod ng ganda at sexy. Dito nga ako nirecommend ni Keith na magtrabaho dahil daw panatag siya dahil kilala niya ang may-ari —ang mag asawang Davis na siyang parents ni Doc Terrence. Napakabait nilang pamilya. Na-meet ko na kasi silang pamilya ng ilang beses dahil dati, kay Mrs Davis si lola nagpapa-check up.
"Busy yun ngayon. Madaming ginagawang trabaho kaya nga naaawa ako eh. Pagod lagi pag umuuwi sa bahay. Pag sabihan mo nga, doc. Masyadong workaholic kasi ang asawa ko," pabiro na sabi ko.
Natawa naman siya.
"I don't think I can do something about that, Ria. But maybe you can. Why don't you give him a reason to stay home often?"
"Ha? Ano namang reason?"
Ngumiti siya saka sinabing, "Give him a baby."
Natigilan ako sa sinabi niya.
Hindi agad ako naka-react tapos nagpaalam na agad si doc at ako naman ay pumunta na sa pantry pagkatapos kong mag-chart.
Habang kumakain ako ay hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Doc Terrence. Napaisip tuloy ako. Ilang buwan na rin ang nakalipas nung honeymoon namin pero bakit hindi parin ako buntis?
Hindi kaya may problema sa akin? Pero... Napasinghap ako nung may bumuong idea sa isipan ko.
Naalala ko kasi ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw.
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
Narrativa generaleMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...