Keith's POVI took a sip of my drink.
"What's wrong, Keith?"
I shook my head saka nilapag pabalik ang baso na hawak ko sa mesa.
I breathed deeply and hardly.
"Nagpunta kalang sa bahay ng mag-iina mo, ganyan kana. Nagpatawag kapa sa secretary ko. Akala ko importanteng meeting pero magyayaya kalang pala para tingnan ka na malungkot buong gabi."
He's my friend, William. Barkada na kami simula pa nung high school. He also owns a business kaya madalas parin kami magkausap dahil sa isang mundo lang kaming dalawa. Pero bihira lang kaming magkita lalo na since I got married to Ria.
"Cause I couldn't contact your d*mn phone," inis na sabi ko sa kanya.
Tumawa siya kaya sinimangutan ko siya.
"Ayan na naman ang mala-tiger look mo, bro. Chill lang, pwede ba? Ano ba kasing nangyari sa pagpunta mo kay Ria?"
Napangisi ako when I remembered the moment I stepped in their house where they've been staying.
"They looked so happy," sabi ko kay William habang nakatingin sa malayo.
"Oh okay. Pero diba dapat masaya ka na masaya sila? Bakit parang galit kapa?"
Sinamaan ko ng tingin si Wil. "Do you even hear yourself? I said, they looked so d*mn happy without me. They were playing when I came, and they looked perfectly fine without me and that hurts big time knowing my family is doing just fine even though I'm not around."
"Masakit nga yan..." William agreed.
"Hindi lang yun, Ria even told me na sana daw ay hindi ko nalang siya pinakasalan. Alam mo ba kung gaano ko siya gustong yakapin kanina nung makita ko siyang malapit sa akin? But she ruined my mood after she said that."
Wil was shocked. "Talaga? Sinabi niya yun?!"
"Yeah," I replied.
"Seryoso? Sa pagkakaalala ko hindi naman ganun ang asawa mo kahit ilang beses ko palang siya nakita. I could sense that she loved you so much at ganun ka din sa kanya. Naiinggit nga ang asawa ko every time makita niya kung gaano kayong dalawa na magtinginan sa isa't-isa. Bro, you were both so deeply in love with each other. Anong nangyayari ngayon? Siguradong hindi matutuwa ang asawa ko pag nalaman niya ito. She's a fan of you both."
Wil's wife, Sandra, is also a friend of mine. She's pregnant now kaya ayaw ni Wil na sumama ang loob ng asawa kaya hindi niya kinikwento ang tungkol sa nangyayari sa amin ngayon ni Ria.
"Hindi ko din alam. We were both happy. Nitong huli nalang na parang naiinis ako sa kanya because she kept putting the kids before me. I'm her husband, and I'm supposed to be her priority. Madalas, hindi pa siya nakikinig sa akin."
"Syempre mga anak niyo yun, bro. Dapat lang na alagaan niya sila at bigyan ng time. Tapos na ang honeymoon stage niyong dalawa. May anak na kayo. Ang mga anak niyo na ang importante ngayon at hindi kayong dalawa. Ikaw, malaki kana, bro. Kaya mo na ang sarili mo. Pero ang mga anak mo, kailangan nila kayo lalo na si Ria. Ang babaw pala ng pinagseselosan mo, bro," sabi niya saka natawa sa huling sinabi.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumawa siya. "Joke lang, bro. Pero seryoso, dapat nga masaya ka na inuuna ng asawa mo ang mga anak niyo. Dapat alam mo na mas mahalaga yun dahil lumaki ka na busy ang mga parents mo lagi sa trabaho. Alam mo ang feeling na hindi inaasikaso ng mga magulang. Naaalala ko dati na nagagalit ka pag hindi sila maka-attend ng event sa school natin. Kaya ka nga nag-aral sa America nung college, diba? Kasi gusto mo na malayo ka sa kanila para magpa-missed sakanila. Ganun ka ka-KSP, bro."
Wil knew most of my life story. Siya kasi ang pinaka-close ko sa barkada namin. Alam niya din ang nangyari kay Sarina. Siya ang may alam ng mga pinagdaaanan ko.
"Alam mo, Keith. Mahirap talaga maging ina. Tayong mga lalaki, basta makapagtrabaho lang tayo at mabigay ang pangangailangan nila, masaya na tayo. Mabigay lang ng misis natin ang pangangailangan natin, masaya na tayo. Pero ang mga babae hindi ganun, gusto nila gawin lahat. Gusto nila magpaka-ama, ina, kapatid at katulong sa pamilya. At based sa kwento mo, ganun ang asawa mo. Maswerte ka nga dahil pinagsisilbihan kapa niya, pinagluluto kapa niya, tinatabihan kaparin sa gabi. Saka hindi nga siya kumukuha ng katulong dahil alam niya na gagastos kana naman. Ibig sabihin nun, inaalala ka niya. Alam niya ang hirap mo para kumita ng pera. Mahal ka ni Ria, Keith. Siya nga ang nagpapatulog sa mga bata sa gabi, diba? Kasi alam niya na pagod kana. She's taking all the responsibilities at home dahil yun lang magagawa niya para suklian ang ginagawa mo para sa kanila."
Napaisip ako. Ria has been busy with the kids. When we eat dinner, tatlo kami ang inaasikaso niya. She even put the kids to sleep while I am in our room waiting for her to come and lay down beside me.
"Your wife loves you!"
Maybe she does. Pero naiinis parin ako pag minsan, umuuwi ako sa bahay at hindi niya ako inaasikaso. Mas madami siyang time sa mga bata at sa ibang bagay kesa sa akin.
I remember one time, hindi ko mahanap ang papers ko at nagpatulong ako sa kanya. Tumulong naman siya pero nung nagising si Klyde, she ran to him and she totally forgot to help me find the papers.
"If she loves me, why she is not letting me support her and her family?"
"Syempre independent woman yang pinakasalan mo. Kumakayod na siya para sa sarili at sa pamilya niya bago kapa niya nakilala. Natural, sanay yan na hindi humihingi ng tulong sa iba hanggat kaya pa naman niya."
Napaisip ako sa sinabi ni Wil. He might me right. Pero hindi ko maiwasan isipin na she is doing that because she doesn't want me to get involved with her family, which also happen to be my family.
"Bro, you're overthinking things. Wala naman talagang problema kay Ria eh. Sa nakikita ko, ikaw ang may problema. Nasanay ka na ikaw ang inuuna ng mga babae mo dati at ikaw ang pinagsisilbihan. Be mature, bro. You're so lucky with her and don't take it for granted just because of your immaturity. Ibahin mo si Ria, she's a different from the women you met before. Learn to understand her side. She's doing everything to serve you and your family. Kung mahal mo siya, balikan mo na siya bago pa mahuli ang lahat."
Thinking na iiwan ako ni Ria really bothers me a lot, but I couldn't afford to show up in front of her and say sorry. Hindi pa ngayon because my mind is falling apart. Hindi ko parin fully matanggap sa sarili ko ang lahat ng mga insecurities ko.
I missed her, but I couldn't have her back yet. Not when I am like this.
Baka tama nga si Wil, ako ang may problema at hindi siya. She's a nice woman. I wouldn't marry her if she isn't.
But there's still a part of me that is holding back. My pride steps in whenever I see situations like the one I saw earlier when I arrived in their apartment.
Napailing nalang ako sa mga naiisip. Wil kept me company until midnight.
I went home feeling empty.
It's been a month na wala akong kasama sa pagtulog. It's been a month na wala ang mga anak ko sa bahay. Wala na akong ingay na naririnig sa pag uwi ko, walang naamoy na luto mula sa kusina pag-uwi ko. The house feels empty and lonely without them here.
Nahiga ako sa couch and covered my eyes. I've never been frustrated like this, and I hate myself for feeling this way.
I want them back but...
I don't know what I want anymore.
1 June 2017
Miss Kae 💋
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
Ficción GeneralMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...