Chapter 9: Optimistic

25.9K 748 10
                                    


Hwebes na ngayon. Bukas na magsisimula ang tatlong araw na bakasyon ko. Uuwi narin ako sa wakas sa probinsya pagkatapos ng higit isang buwan na malayo ako sa kanila.

Kaya umaga palang ay sobrang saya at energetic ko na. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko at excitement ko. Nagtataka na nga sa akin ang mga kasamahan ko dito sa bahay.

"Good morning!!" masiglang bati ko sa kanila nung pumasok ako sa kusina. "Sino ang may gusto ng kape? Magtitimpla po ako."

"May kape na jan. Nasa coffee maker kaya kumuha ka nalang," sabi ni Ate Doris.

"Mukhang hindi naman kailangan ng kape yan dahil sobrang taas na ng energy. Gising na gising na eh," sabi naman ni Ate April na halatang nanunukso.

Lumapit sa akin si Ate Pearl at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Ate Pearl naman. Nakakailang po."

Umiling-iling siya.

"Inu-obserbahan ko lang kung may kakaiba sayo. Bakit ka kasi masaya jan? Umagang-umaga eh ang sigla-sigla mo."

Napangiti ako saka tumingin sa kanilang tatlo na kanina pa inaantay ang sagot ko.

"Uuwi na po kasi ako bukas sa amin. Diba ako na ang sunod na magbabakasyon? Excited lang akong makita ang pamilya ko kaya masaya ako," paliwanag ko sa kanila.

Lumapit ako kung saan ang coffee maker. Pakanta-kanta pa ako habang kumukuha ng kape ko. Kumain na din ako ng tinapay.

"Iba ka pala pag excited. Nakakatakot," biro ni Ate Doris habang umaarte pa na natatakot kunwari.

Napailing nalang ako. "Masanay na po kayo. Ganito talaga ako."

"Ang totoo? Ilang enervon ang nilunok mo kagabi?" sabi naman ni Ate April na kinatawa ko.

Napailing nalang ako.

Umakyat na ako pagkatapos kong magkape para tingnan si madame. Saktong gising na siya kaya binihisan ko agad siya at dinala siya sa dining room. Nandoon na si maam na naghihintay.

"Good morning, maam!"

Napangiti din siya sa akin. "Good morning too, Ria. Ang ganda ng ngiti natin ah? Anything special today?"

"Wala naman po. Excited lang po ako dahil uuwi ako bukas. Miss na miss ko na kasi ang pamilya ko."

"Ay, oo nga pala. Bukas ka pala naka-schedule na magbakasyon. Nako nakalimutan ko tawagan ang agency na kumuha ng reliever mo pag naka-off ka."

Nawala ng ngiti sa labi ko. So ibig sabihin hindi ako makakauwi bukas?

"Ganun po ba?" Medyo humina ang boses ko. "S-Sige po e-postpone ko nalang po ang pag uwi ko bukas kung wala pa po kayong nahanap na kapalit."

Halata ang konsensya sa mukha ni maam na para bang naaawa siya sa akin.

Okay lang naman sakin. Kahit miss na miss ko na sila, kaya ko pa naman maghintay ng ilang araw pa.

"Let her go." Napatingin kami kay madame na biglang nagsalita. "Pauwiin mo siya. Okay lang ako. Nanjan naman sina Pearl. Hindi mo kailangang kumuha ng reliever. Ayokong kumuha ka ng iba."

"Are you sure, ma?"

"Sure ako. Malakas naman ako. Besides, Ria deserves her days off."

Nagulat ako.

Nabibingi ba ako?? Tama ba ang narinig ko o namali lang ako ng rinig??

"We can't afford to see her contagious smile fade away," sabi niya at tumingin sa akin.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon