Ria's POV"Ria."
Huminto ako at nilingon ang lalaking tumawag sa akin.
"Doc." I smiled at him.
Tumigil siya sa harap ko saka ako binati.
"I just want to give you my gifts to the kids."
Inabot niya sakin ang paperbag na hawak niya. Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa hawak niya. "Huwag mong sabihin na galing ito kay Keith at ikaw ang pinapaabot?"
Natawa siya sa sinabi ko saka umiling. "No. It's from Vanessa and I. I am Klyde's godfather, so I want to give him a gift and I also have one for Kelly."
"Joke lang. Alam ko naman na saiyo galing 'to," natatawang sabi ko saka kinuha ang paperbag. "Thanks, Doc Terrence. I'm sure matutuwa sila sa bigay mo."
Tumango siya saka nagsalita ulit, "Hindi pa rin ba kayo nagkakabalikan?"
Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa tanong niya. Gusto ko mang maging okay kami ay parang malabo na mangyari lalo na at hindi siya marunong magpakumbaba lalo na pagkausap niya ako at hindi rin niya kami sinusuyo ng mga bata para bumalik sa bahay.
Napailing ako bilang sagot.
"I know, someday, you both will," nakangiting sabi niya sabay mahinang tapik ng balikat ko.
Nagpaalam na siyang aalis na. Nagpasalamat ulit ako sa kanya saka ako umalis na din.
Nagcommute ako papunta sa school. Sinundo ko si Kelly sa school niya saka sumakay kaming dalawa ng jeep pauwi.
"Bayad po," sabi ni Kelly na nakangiti habang inaabot sa babae ang pamasahe naming dalawa.
Natutuwa ako na nag e-enjoy siya sa mga ganitong bagay na hindi niya naranasan noon nung kay Keith pa kami nakatira. Siguro nga may rason bakit nangyayari ito sa amin. Isa na doon ay para matutunan ng mga bata ang mamuhay ng simple lang.
"Ang ganda mo namang bata, hija."
"Thank you po," sagot ni Kelly sa babaeng katabi niya.
"Anak mo, miss?" Tanong sa akin ng babae na medyo may kaedaran na. Namamangha siya habang nakatingin kay Kelly. Sabagay mestiza kasi si Kelly, makinis ang kutis at matangos ang ilong. Napakaganda niyang bata. Kamukha niya ang daddy niya at siguro konti mula sa mommy niya.
"Opo."
"Siguro kamukha siya ng tatay niya no?" tanong ng babae na kinakunot ng noo ko.
Nahalata niya na hindi ko kamukha si Kelly lalo na at hindi ako mestiza. Kayumanggi lang ang kulay ko at maganda naman ako kahit papano. Hindi lang kasing ganda ni Kelly. Mahaba ang buhok ko at medyo may katangkaran. Siguro sa height lang kami nagkapareho ni Kelly. Tanggap ko naman yun. Alam ko naman na hindi ako ang totoong nanay niya.
May mga tao talaga na tinatanong ako kung anak ko ba siya at oo lagi ang sagot ko dahil totoo naman, anak ko naman talaga siya. Hindi lang kami magkadugo.
Pero pagkasama namin si Keith, hindi naman sila nagtatanong dahil nakikita naman nila ang similarities ng dalawa. Alam nila agad na kay Keith namana ni Kelly ang magandang mukha nito.
Tumango lang ako sa babae saka hindi na nagsalita. Mabuti at tumahimik na din ang babae.
Bumaba kami sa kanto saka sumakay ng tricycle papunta sa bahay namin. Nung tumigil kami sa tapat ng bahay ay nagbayad ako agad sa driver bago bumaba.
Nasa pinto palang ako ng apartment ay naririnig ko na ang boses ni Klyde. Ang daldal na talaga niya ngayon.
"Hi baby—!" Napatigil ako sa pagbati sa anak ko nung makita ko kung sino ang humahawak sa kanya.
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
General FictionMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...