Chapter 21: Spoiling Her

22.1K 559 25
                                    


Nakita ko na masayang pumasok sa bahay si Kelly. Sobrang laki ng ngiti niya at patalon-talon pa siya sa saya habang si Nine naman ay nakasunod sa kanya saka maraming dalang paper bags.

"Granny!"

Tuwang lumapit siya sa lola niya saka nag-kiss. Nandito kasi kami ni madame sa sala.

"Mukhang masaya ang apo ko?"

Napahagikgik si Kelly sa sinabi ng lola niya saka masiglang nagsalita.

"Of course, granny. Kuya Keith bought me a lot of stuff again."

Napatingin kami sa kakapasok lang na si Sir Keith at naglakad papunta sa gawi namin.

"Diba, kuya? You bought me many toys?"

Ngumiti si Sir Keith saka tumango kay Kelly. Bumaling siya sa lola niya saka nagbeso. Tumingin siya sa akin saka nginitian ako. Nahiya tuloy ako kasi naman nandito ang lola niya malamang nakita nito ang pag ngiti ni Sir Keith sakin.

"Kelly, punta ka muna sa room mo," sabi ni madame sa apo niya.

Tumango naman si Kelly at mabilis na umakyat. Malamang excited yun na laruin ang mga pinamili nila.

"Keith."

Bumalik ang tingin ko kay Madame nung nagsalita siya.

"What are you doing?"

Napakunot naman ang noo ni Sir Keith sa tanong sa kanya ni madame.

"What do you mean, granny?"

"You're spoiling her," napapailing na sabi ni madame. "You've been buying her toys for a week now. Halos mapuno na nga ang playroom niya sa dami ng laruan niya."

Totoo naman kasi. Halos araw-araw na pinapasyal niya si Kelly at binibilhan ng mga laruan. Yun daw kasi ang naisip niya na paraan para kunin ang loob ni Kelly at mapalapit sa kanya ang anak niya.

Nalula nga ako sa dami lagi ng binibili niya sa anak niya. Sobra na nga ata.

"Granny, you want me to make up to her, right?"

"And that's the best idea you could think of?"

Natigilan si Sir Keith dahil medyo umiba na ang boses ng lola niya.

"Ahmm, excuse me po. Aalis muna ako, madame," sabi ko kasi baka usapang pamilya ito kaya naman aalis nalang ako para bigyan sila ng privacy. Gaya kasi dati baka magtaka si Sir Keith bakit nakikinig ako sa usapang pamilya nila.

"No. Stay here," seryosong sabi ni madame.

Wala akong nagawa kundi tumango nalang at nanatili.

Bahala na kung ano ang marinig ko.

"Keith, dapat hindi ganyan. Parang binibili mo ang loob niya through buying her toys. You're bribing her to like you."

Napamewang si Sir Keith saka umiwas ng tingin at napabuntong hininga.

"Then what should I do? Nauubusan na ako ng idea, granny."

"Tell her the truth. Stop bribing her."

Hindi makapaniwalang tumingin si Sir Keith sa suhestiyon ng lola niya.

"What? Narinig niyo naman po lagi ang sagot niya pag tinatanong natin siya tungkol sa totoong daddy niya."

"Yeah, but that doesn't mean you will not tell her. Kailangan mo parin aminin whether she'll like it or not," seryosong sabi ni madame.

"I'm scared, granny," nag aalalang sabi ni Sir Keith.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon