"Ate, sige na please???"Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiling sa kapatid ko. Ang kulit talaga. "Hindi nga," ulit ko.
"Ate naman eh. Pumayag kana. Papayag naman si Kuya Keith kahit hindi ako magpaalam sa kanya eh," naka-pout na sabi ni Marjorie, ang kapatid kong babae.
Gusto niya kasi imbitahan dito sa bahay ang mga classmate niya sa college. Gagamitin daw nila ang pool at maghahanda sila ng konting pagkain. Birthday niya kasi at yun ang gusto niyang celebration.
Tumigil ako sa pagpapakain kay Klyde at tumingin sa kanya.
"Marj, alam ko na papayag ang kuya mo pero nakakahiya na kasi. Taon-taon nalang pag birthday mo ay dinadala mo ang mga bisita mo dito. Inaabuso mo na ang kabaitan ng kuya mo."
"Ate naman, bahay niyo naman itong dalawa, diba? Kaya hindi naman nakakahiya yun."
"Bahay nga namin ito pero wala man lang akong nagastos sa pagpapatayo nito kaya ang Kuya Keith mo talaga ang may-ari nito."
Kahit kasi mag-asawa na kami ni Keith ay iniisip ko parin kung saan ang lugar ko sa buhay niya lalo na sa yaman niya. Mas siya ang naghirap sa mga ito kaysa sa akin. Ayoko sabihin ng iba na nagpapakasarap lang ako sa pinaghirapan ng asawa ko.
"Ate, kakausapin ko—"
"Marj, sabi ko na nga na hindi diba? Kaya please wag mo na kausapin ang Kuya Keith mo. Makinig ka naman sakin," sabi ko na may halong panenermon sa kanya.
"Ate..."
Hindi ko siya pinansin. Sinubuan ko na ulit si Klyde na kanina pa nakatingin sa aming dalawa at hinihintay ang pagkain niya. Medyo marunong naman itong kumain mag-isa pero gusto ko lang subuan siya.
"Klyde, kausapin mo nga ang mommy mo. Sabihin mo sa kanya na payagan ako."
Tumingin sa kanya si Klyde saka nginitian siya at sinabing, "Mommy says no."
Natawa ako sa sinagot ng anak ko at natawa din siya nung nakita akong tumatawa pero si Marjorie ay bumusangot ang mukha.
"Sige wala kang chocolate kay tita. Si Kelly lang bibigyan ko."
Lumabi lang si Klyde sa kanya na natatawa parin at nagulat ako nung bigla nalang sumigaw ng, "Daddy!"
Tumingin kami sa kung saan siya tumitingin at ang daddy niya nga ang tinawag niya.
Ngumiti si Keith kay Klyde at hinalikan ito sa pisngi nung makarating ito sa tabi namin tapos bumaling siya kay Marjorie. "Hey. You're here."
"Hi, Kuya Keith!"
Yumakap pa siya sa kuya niya.
"How are you, Marj? How's your school?" Tanong ni Keith sa kapatid ko.
"Okay lang po. Ah, kuya, may hihingin sana akong favor."
Tumingin saglit sa akin si Marjorie at sinenyasan ko siyang wag na ituloy ang sasabihin niya. Pero dahil matigas ang ulo ng kapatid ko, umiwas siya ng tingin sakin saka kinausap na si Keith.
"Kasi kuya, birthday ko sa linggo. Pwede bang dito ulit kami magcelebrate ng mga friends ko? Sa pool lang po kami ulit. Hindi po kami manggugulo sa loob ng bahay."
"Sure. Walang problema sa akin."
Napakunot ang noo ko.
Malaki ang ngiti na binigay ni Marjorie kay Keith dahil pinayagan siya nito.
"Talaga, kuya? Yes!! Thank you, kuya! You're the best talaga!"
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
General FictionMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...