Chapter 8: First and Last

24.8K 678 7
                                    


Ilang araw na din ang lumipas. Ang bilis ng panahon. Kahapon nagsimula ang physical therapy ni madame. Nakikita ko na ganado siya nung ginagawa ang exercise. Parang gusto na niyang bumalik sa dati.

Napansin ko din na simula kahapon ay nabawasan ang kasungitan niya.

Siguro dahil ngayon ay may pag asa na siya at alam niyang malapit na siyang bumalik sa normal at makakalakad ulit mag isa

Tulad ngayon, nakatingin ako sa kanya habang masaya siyang nakikinig sa physical therapist niya. Nasa backyard sila at doon sila nag te-therapy para sariwa daw ang hangin at maaliwalas.

"Ria."

Nagulat ako nung may tumawag sa akin.

"Maam Elizabeth?"

Ngumiti siya. "Ako nga." Tumingin siya sa mama niya at mas lumawak ang ngiti nung makita ang ginagawa ng mama niya. "In no time, mama will be back to normal."

"Aba, opo. Malakas kaya si madame. Kayang-kaya niya po yan."

"You think so?"

"Opo. Ang mama niyo pa. Napakalakas niya pa. Naniniwala ako na gagaling siya baka nga hindi na ako magtagal dito dahil gagaling na siya agad at hindi niyo na po ako kakailanganin. Makakalakad siya ulit at magagawa niya lahat ng mag isa."

Yan ang na-realized ko kanina. Masaya ako na gagaling na si madame pero nalungkot ako nung biglang pumasok sa isip ko na pag gumaling na siya, hindi na niya ako kailangan. Possible na paalisin na nila ako.

Napalitan ng awa ang tingin niya sa akin. "Oh, hija. Don't think that way. Hindi ka namin papaalisin. Isa pa, nagustuhan na kita pati ni Kelly."

Biglang lumawak ang ngiti ko. "Talaga po? Salamat, maam!"

"No, thanks to you. Thank you for taking care of mama," seryosong sabi niya.

"Walang ano man po. Trabaho ko po yun."

Lumapit si maam sa akin saka ako biglang niyakap ng hindi ko inaasahan. Nagulat ako. Kasi naman hindi ko inexpect na yayakapin niya ako. Sinabi niyang thank you daw sa lahat ng ginawa ko sa mama niya.

"Mom?"

Biglang humiwalay ng yakap sa akin si Maam Elizabeth at pareho kaming napatingin kay Sir Keith na papunta sa gawi namin.

"Keith? You're still here," gulat na sabi nito saka nagbeso silang dalawa. "Akala ko umalis kana? Himala na nandito kaparin."

Tumingin sa akin si Sir Keith at agad naman akong ngumiti. Totoong ngiti na talaga ito dahil sa ginawa niyang pagligtas sakin nung nakaraang linggo. Saka hindi naman ako pwedeng umiwas lagi sa kanya. Amo ko parin naman siya at dapat pantay-pantay lang ang trato ko sa kanilang lahat.

Nakatingin lang ako sa kanya na nakangiti at wala naman siyang sinabi pero nakatingin lang siya sakin.

Teka, tumitingin ba siya sakin dahil gusto niya akong umalis kasi may pag uusapan silang mag ina?

"Ah... Sige po alis na po ako," paalam ko pero agad din akong pinigilan ni maam.

"I'm not yet done talking to you, Ria. May sasabihin pa sana ako." Bumaling siya kay Keith tapos tumingin sa akin. "Sige, tatawagin nalang kita mamaya," dagdag pa niya kaya tumango ako at umalis na.

Iniwan ko ang mag ina doon. Lumipat ako ng pwesto para manuod ulit sa ginagawa nila madame. Nag e-enjoy kasi ako sa nakikita. Ang galing ng physical therapist niya ang professional talaga tingnan pati galaw. Hanga talaga ako sa mga may propesyon na ganyan. Kaya gusto ko maging nurse para makatulong din ako sa mga may sakit.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon