Chapter 39: A Gift

21.1K 442 11
                                    


Ria's POV

Nagising ako at may narinig akong umiiyak, isang batang umiiyak.

"Shh... Tahan na. Please don't cry, okay lang ang mommy mo."

"Wala pong sakit ang mommy ko?"

"Wala siyang sakit."

I knew who that voice belonged to. Si lola yun at si Kelly naman ang umiiyak.

"Eh bakit hanggang ngayon hindi parin po siya gumigising, granny?" Humahagulgol na sabi niya.

"She's just resting, apo."

"But granny, mommy has been resting for almost 8 hours. Sure po ba kayong walang sakit ang mommy ko? I'm worried na po."

Napadilat ako ng mga mata at nakita ko sa isang sulok si lola at Kelly. Nakayakap si Kelly sa lola niya. Nakita kong lumapit si mommy sa kanila.

"Kelly, tama ang granny mo. Walang sakit ang mommy mo. In fact, you are going to have a baby brother or a baby sister, so you have to be happy."

Nagulat ako sa narinig.
Tama ba ang narinig ko?

Bigla akong napahawak sa tiyan ko. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nung may maramdaman nga akong kakaiba sa tiyan ko.

"Kelly, diba sabi ng doctor hayaan nating magpahinga ang mommy mo dahil buntis siya?"

Biglang tumigil sa pag iyak si Kelly.

"Buntis si mommy??" Tumango naman si lola. "Talaga po?? Yay! Magiging ate ulit ako!"

Napangiti ako dahil sa nalamang masaya siya na magkakaron ulit siya ng kapatid. Si Keith kaya alam na kaya niya? Masaya din ba siya?

Kasi ako, sobrang saya ko na madadagdagan na naman kami.

Kaya pala lagi akong nahihilo nitong mga nakaraang araw. Akala ko dahil sa init lang ng panahon. Bakit hindi ko naisip na baka buntis ako? Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti nung maalala ang mga masasayang araw namin ni Keith.

Speaking of Keith, nasaan na kaya siya?

Nilibot ko ng tingin ang buong silid pero hindi ko nakita ang asawa ko. Nalungkot ako bigla nung hindi siya nakita.

Bago pa kung anu-ano ang pumasok sa isip ko ay binaling ko nalang ang pansin ko kina Kelly. Mabuti at napansin ni mommy na gising na ako kaya lumapit siya agad.

"Ria, hija, kamusta ang pakiramdam mo?"

Ngumiti ako. "Okay naman po."

"Mommy!"

Lumingon ako sa anak ko na tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.

"Mommy," sabi niya saka tumingin sa akin pagkatapos ng mahigpit na yakap na binigay niya sa akin. "Mommy, sobra po akong nag-alala sainyo."

"Ang sweet naman ng anak ko. Don't worry, okay na si mommy," sabi ko saka niyakap siya at hinalikan sa pisngi. Bumaling ako kina lola at mommy. "Tama po ba ang narinig ko na buntis ako?"

Tumango sila bilang sagot.

"Kaya ka siguro nahimatay dahil napapalibutan ka ng maraming tao sa party kaya nahilo ka."

Tumango ako. "Siguro nga po. Sorry po kung pinag-alala ko kayo," paumanhin ko.

"Okay lang, hija. Ang importante, safe kayo ng baby," sabi ni mommy.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon