Napapahid ako ng noo dahil sa pawis ko. Ang init kasi saka kanina pa ako palakad-lakad dito."Anak, umupo ka muna."
"Nay, hindi na po. Tapusin ko na ito kasi lalabas na sa school si Kelly maya-maya. Susunduin pa namin siya."
Tumulong kasi ako dito sa maliit na grocery store na pinatayo nina nanay at tatay. Gamit ang sarili nilang pera, nakapag-ipon sila para sa negosyo na ito. Gusto ko nga sana tumulong pero ayaw nila kasi madami na daw kami naitulong lalo na si Keith kaya nahihiya na sila. Kaya ito ako at tumutulong nalang sa pag aayos ng mga binibenta nila.
"Salamat, anak. Yung hinire kasi namin na tutulong sa amin dito sa tindahan ay nagkasakit kaya wala siya ngayon."
"Okay lang po, nay."
Tinapos ko na lahat ng pwede kong gawin tapos pumunta kay nanay na nag-aayos sa kahera niya.
"Nay, aalis na po ako. Padating na rin siguro sina Marjorie galing sa school at may katulong na po kayo sa pagbabantay dito."
"Sige, anak. Salamat ulit. Mag ingat ka ha? Ito pala dalhin mo at ibigay mo sa mga apo ko," sabi niya saka inabutan ako ng Yakult na paborito nina Kelly.
"Salamat po dito," sabi ko saka humalik sa kanya at umalis na.
Naghihintay sa akin sa kotse si Kuya Rey. Sumakay na ako at dumiretso na kami sa school ni Kelly para sunduin siya.
Medyo pagod na ako dahil simula umaga pa kami nagbubuhat ni nanay ng mga bagong stocks sa grocery.
"Hi, mommy! Where's Klyde?" Bungad agad ni Kelly pagkakita niya sa amin.
"Nasa bahay. Hindi ko na sinama kasi pumunta ako sa lola mo."
Tumango naman siya.
Pinunasan ko ang pawis niya habang nakasakay na kami sa kotse. Uminom din siya ng binigay ng lola niya na inumin at nagkwento sa akin ng mga nangyari sa school niya ngayong araw.
Nung dumating kami sa bahay, agad na tumakbo sa akin si Klyde nung makita ako. Niyakap niya ang hita ko.
"Hi, baby ko. Kamusta ka ha? Mabait kaba kay yaya? Na-miss kita." Hinalik-halikan ko ang pisngi niya sa sobrang pagka-missed.
"Ang kalat naman," sabi ko nung makita ko ang mga laruan ni Klyde na nakakalat sa buong sala namin pati na ang mga punit-punit na mga papel.
"Sorry, Ria. Ito kasi si Klyde napaka-moody ngayon. Kanina pa ngta-tantrums yan buti nalang nawala na."
"Sorry kung pinahirapan ka nitong anak ko. Sige ako ng bahala dito. Ikaw na magluto ng dinner ha? Pagod kasi ako ngayon," sabi ko kay Nine.
"Sige. Sa kusina na ako," sabi naman niya saka umalis na.
Nagsimula na akong magligpit ng mga kalat ni Klyde. Alam ko naman na makalat ang mga bata pero hindi ko kasi kayang tingnan na makalat ang bahay lalo na bago ako matulog. Parang daig ko pang may OCD.
"Klyde, stop," saway ko sa kanya nung pilit niyang binabalik sa sahig ang mga laruan na nilagay ko na sa basket niya. Ang kulit talaga ng anak ko.
"Klyde, I said stop. Put those back."
Tumingin naman siya sa akin nung mapansin niya na galit na ako. Kinuha niya ang laruan saka binalik sa basket at akmang matutuwa na ako nung nakita ko na binalik nanaman niya ulit ang mga laruan sa sahig.
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
General FictionMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...