Ramdam ko ang tension sa pamilyang Edison habang nasa hapag sila at kumakain.Halata na naghihintayan sila kung sino ang unang magsalita habang si Kelly naman ay walang alam sa nangyayari. Magana siyang kumakain pero ang mga kasama niya ay halos hindi makalunok ng pagkain.
"Kelly, do you want milk?" tanong ni Sir Keith.
Napatikhim si madame. Nakita ko na pinanlakihan niya ng mga mata si Sir Keith. Ito kasi eh, paligoy-ligoy pa.
"No, thank you po," sagot ni Kelly na saglit lang tumingin sa kanya saka binalik ang pansin sa kinakain.
Nakita ko na nagsesenyasan sila kung sino ba dapat ang mauunang magsalita.
Hindi ako nakatiis at ako nalang ang kumausap kay Kelly. Ang tagal kasi nila na sabihin kelly. Ako tuloy ang nate-tense.
"Ahm, Kelly," sabi ko saka lumapit sa kanya.
Umangat siya ng tingin sa akin.
"Bakit po?"
Napangiti ako saka sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay ko.
"Kelly, may sasabihin kasi sayo ang Kuya Keith mo."
Kunot noo siyang napatingin sa akala niya na kuya niya. "What is it, kuya?"
Huminga ng malalim si Sir Keith saka nanginginig ang boses na nagsalita, "B-Baby, d-do you want a dad, right? D-Do you want me to be your dad?"
Napatampal ako sa noo dahil sa tanong ni Sir Keith.
Mas lalong kumunot ang noo ni Kelly.
"How can you be my dad if you are my kuya?" Takang tanong niya.
"Kelly, I can be your dad too. I can—"
"He's your real dad, Kelly," singit ni madame. Natagalan siguro dahil itong si Sir Keith ay pinapaikot pa ang kwento.
Kunot noong tumingin si Kelly sa lola niya. "My real dad died, granny."
Nakita ko ang sakit sa mga mata ni Sir Keith. Si Sir Eric kasi ang tinuring niya na daddy.
"No, Kelly. Keith is your real dad. Sorry if mali ang sinabi namin sayo. Your real mom died few months after you were born. Kaya kinupkop ka ng Mommy Elizabeth mo. She's your grandma, not your real mom. Your dad was so vulnerable that time because of what happened to your mom, that he couldn't take care of you kaya kami ng Mommy Elizabeth mo ang nag alaga sayo."
Saglit na walang reaction si Kelly na parang iniintindi ang sinabi ng lola niya. Ilang saglit ay bigla siyang tumingin kay Maam Elizabeth na ngayon ay naiiyak na ng tahimik sa gilid.
"Mommy, granny said you are not my real mom. Is that true?"
Pinunasan niya ang mga luha sa mukha niya saka hinarap ang apo niya. Napangiti siya ng alanganin saka tumango. "Y-Yes."
"But mom, ikaw ang mommy ko. You said my Daddy Eric is dead. I don't understand, mommy," sabi nito na parang nagsisimula ng maiyak dahil sa pag iba ng tono ng boses nito.
Dahil malapit na nakaupo si Kelly kay Maam Elizabeth, hinawakan nito ang maliit niyang kamay para patahanin.
"Baby, listen to me, okay? Your grandma is right. Keith is your real dad, and your mom died. That means, I'm your grandma. Then your granny is your great grandma. But no matter who we are in your life, we still love you the same, baby. We all love you so much."
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
General FictionMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...