Chapter 11: Still No

16.1K 395 7
                                    


"Taraaaaann!"

Nagpalakpak ng kamay si Kelly nung makita niya na tapos na ang cake na binake ko.

"Wow! It looks yummy, mommy! Ang ganda pa ng color ng icing!"

"Syempre alam ko na yan ang gustong kulay ng mga babies ko kaya yan ang ginawa ko."

Agad na kumuha si Kelly ng plato niya at nag-slice ng cake.

Kumuha din ako para kay Klyde pero konti lang dahil medyo matamis ito para sa kanya. Baka mamaya ayaw ng kumain ng dinner pag na sobrahan ng kain ng matamis. Hapon palang kasi at ginawan ko sila ng meryenda. Kakauwi lang ni Kelly from school at alam ko na gutom siya kaya gumawa ako ng snacks niya.

"Ang sarap! Thank you, mommy! You're the best mommy in the whole wide world!" sabi niya saka hinalikan ako at niyakap sa leeg.

"Hul wide wurd!" Panggagaya ni Klyde sa kapatid niya na pati ang actions nito ay ginaya pa kaya natawa ako at hinalikan siya sa pisngi dahil sa nanggigil ako sa kanya.

Nakaupo kami at kumakain habang nag-uusap. Kinamusta ko ang pag aaral ni Kelly at masaya ako na nag e-excel siya sa school niya. Matalino kasi talaga siya.

Ganun ang sitwasyon namin nung dumating si Keith. Tumayo ako nung makita ko siyang pumasok sa dining para salubungin siya.

"Ang aga mo ngayon, Keith? Gusto mo bang kumain ng cake?"

Tumango lang siya saka inalis ang neck tie niya. Lumapit siya sa mga bata dahil tinawag siya ng mga ito.

Napangiti ako sa nakita. Nakikipagkulitan kasi siya sa kanila kahit alam ko na pagod siya dahil galing siya sa trabaho. Mukha kasing matamlay ang mukha niya pero pinilit niyang ngumiti sa harap ng mga bata.

Nilagyan ko ng cake ang plato na kinuha ko bago binigay sa kanya.

"Thanks," sabi niya saka sumubo.

Umupo narin ako sa tabi niya kung saan kaharap ko si Kelly at katabi ko si Klyde na nasa high chair niya at kumakain. Marunong  na siyang kumain ng sarili niya although makalat nga lang.

Naging hands-on mom kasi ako sa kanila at sinigurado na natutukan sila simula nung mag-resign ako sa trabaho nung buntis pako kay Klyde. At masaya ako na naging maganda naman ang kinalabasan ng pag-aalaga ko sa kanila.

Speaking of trabaho, ngayon ko na balak kausapin si Keith tungkol sa pagbabalik ko sa pagiging nurse. Ilang araw na kasi siyang mukhang masama ang timpla kaya hindi ko makuhang sabihin sa kanya. Baka kasi marami siyang iniisip sa trabaho at ayoko makadagdag pa. Pero kasi, gusto ko na maging productive kaya gusto ko na talagang bumalik sa work.

"Masarap ba, Keith?"

Tumango siya saka sumubo ulit. Mabilis niyang naubos ang cake na nasa plato niya.

"Gusto mo pa ba?"

Umiling siya. "Hindi na. I'll go upstairs and change my clothes."

Tumayo siya saka humalik sa mga bata at nagsabi sa kanila na aakyat muna siya.

Doon ko na-realized na hindi pa pala siya humahalik sa akin simula dumating siya sa bahay. Nakalimutan niya? Baka nga nalimutan lang lalo na at pagod siya eh.

Tinawag ko si Nine mula sa kusina at sinabing siya na muna ang bahala sa mga bata dahil aakyat ako para kausapin si Keith.

Naabutan ko siyang sinusuot ang tee shirt niya. Napangiti ako dahil hanggang ngayon ay ang ganda parin ng katawan ng asawa ko. Hindi na nga masyadong nag e-exercise sa umaga nitong mga nakaraang buwan dahil masyado na siyang busy pero hanga ako na naaalagaan niya parin ang sarili niya.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon