Chapter 15: Like A Family

24K 596 92
                                    


"Ate Ria, tara na po!"

Hinihila-hila ni Kelly ang kamay ko. Gusto niya kasi na lumangoy kami sa dagat.

Tumingin ako kay madame at ngumiti lang siyang tumango. Ibig sabihin, hinahayaan niya akong samahan si Kelly.

"Kelly, sasamahan nalang kita pwede ba yun? Ayaw ko kasi maligo."

Nalungkot siya.

Bigla tuloy akong nataranta dahil ngumuso pa siya at parang iiyak na.

Tumingin ako kay maam Elizabeth nung nagsalita siya. "Go ahead, Ria. Hindi kapa nakakaligo. Minsan lang ito kaya samahan mo na si Kelly. Ako na ang bahala kay mama. Go and have fun."

Gusto ko sanang sabihin na nakaligo na po ako kagabi kaya lang baka tanungin kung sino ang kasama ko. Nahihiya akong ipaalam yun sa kanila at dahil din don kaya  hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Tumahimik nalang ako at hindi sumagot. Saglit na tumingin ako sa gilid kung saan si Sir Keith na nakahiga sa beach chair habang naka-shades. Hindi ko alam kung saan siya nakatingin o kung tulog ba siya.

Simula kasi nung umalis ako kagabi at iniwan ko siya, hindi na kami nag usap ulit. Hindi ko din magawang tumingin o makipag usap sa kanya dahil sa nangyari kagabi.

Hindi ko parin kasi alam bakit bigla akong kinabahan at ang lakas ng tibok ng puso ko na parang aatakihin ako. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa akin.

Naguguluhan din ako bakit yun ang mga kilos ni Sir Keith kagabi. Kinabahan ako.

Tapos kanina paggising ko parang automatic ang katawan ko na umiiwas kay sir. Parang nahihiya akong harapin siya. Hindi lang hiya kundi ayaw ko talaga na harapin siya.

Hanggat hindi ko nalalaman kung ano tong nararamdaman ko, hindi ako lalapit muna sa kanya.

Bumalik ang tingin ko kay Kelly.

"Sige, mag-swimming na tayo."

"Yehey!" Masayang sabi niya saka hinila na naman ako.

"Ria, are you gonna swim with that?" tanong ni maam sabay turo sa damit ko.

"Opo."

Tumayo siya saka lumapit sa akin. Nabigla ako nung inangat niya ang damit ko at may parang tinitingnan.

"May swimsuit kanaman pala eh. Take this shirt off."

"Po?" Nanlaki ang mga mata ko.

"Tayo lang naman ang nandito sa resort. Wag kang mahiya."

"Yan din po ang sabi ko sa kanya, maam," dagdag naman ni Nine.

Sinamaan ko siya ng tingin saka tumingin ulit kay maam.

"So?" Naghihintay na tanong niya.

"Ayoko po talaga, maam."

She sighed and said, "Okay, I respect that."

"Don't worry, mommy. Ate Ria is still beautiful in her clothes. She's beautiful like me, right mommy?"

"Yes of course, sweety," malambing na sagot  ni Maam Elizabeth kay Kelly at pinisil pa ang chin nito.

"Tara na po!"

Nagpatianod nalang ako sa paghila sa akin ni Kelly papunta sa dagat. Agad kaming lumangoy pagkarating namin don.

Ang galing niya lumangoy sa edad niya. Anim na taong gulang palang siya pero magaling na siya. Nag swimming lessons daw kasi siya dati. Gumamit din kami ng lifebuoy habang lumalangoy. Pinasakay ko dun si Kelly saka tinutulak siya at tuwang-tuwa naman siya at ayaw pa tumigil.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon