"Mommy, can I play outside?"Tumigil ako sa pag kain ng kanin saka tumingin kay Kelly.
"Sure, anak. Isama mo si Nine."
Kahit malaki na si Kelly ay may yaya parin siya dahil mas panatag kami ni Keith pag may kasama siya lalo na paglalabas siya.
"Kelly, I told you already na bawal kang maglaro sa labas. Kaya nga may pinagawa akong play ground para sayo sa backyard para hindi kana kailangan lumabas at pumunta sa park."
Napatingin ako kay Keith na nagsalita bigla at hindi na naman pinayagan ang anak.
Ito lagi ang pinagtatalunan namin. Nagiging overprotective na naman kasi siya kay Kelly. Alam ko na ganyan lang siya sa mga taong mahal niya pero ayoko na sumobra siya sa pagka-protective. Kaya minsan nandito ako para lagi siyang paaalahanan.
"Keith, hayaan muna ang bata. Mas gusto niyang maglaro kasama ang mga bata na ka-edad niya."
"Pero hindi tayo sure kung safe sa labas, sweetheart."
"Kaya mo nga pinili na dito magpatayo ng bahay sa lugar na ito dahil safe, diba? So ano ngayon ang kinakatakot mo?"
Bumili kasi ng bagong bahay si Keith bago kami kinasal at pagkauwi namin two months ago galing sa honeymoon namin sa Hawaii ay dito na kami dumiretso sa bagong bahay namin kung saan kami magsisimula bilang mag asawa at bubuo ng isang masayang pamilya.
Bumuntong hininga siya tanda ng pagsuko. "Alright, you can play outside but be safe, okay? Makikinig ka sa yaya mo."
"Yey! Yes, daddy!" Masayang sagot ni Kelly dahil tuwang-tuwa siyang pinayagan na maglaro sa labas.
Nginitian ko si Kelly saka bumaling kay Keith at sinabihan ko siyang 'thank you' na agad naman siyang napatango. Madalas wala siyang choice basta kaming dalawa na ni Kelly ang nakikiusap.
"Let's go, sweetheart. Marami pa akong gagawin sa opisina."
Tumango ako saka uminom ng tubig at nagpunas ng bibig ko.
"Aalis na kami, anak. Mag ingat ka dito ha? Makinig ka sa kay yaya mo," paalala ko kay Kelly bago siya hinalikan sa pisngi. Umalis na kami ni Keith pagkatapos magpaalam.
Sabay kasi kaming umaalis ni Keith sa umaga dahil hinahatid niya ako sa hospital bago siya dumiretso sa trabaho niya.
Natanggap ako agad sa pinag-applyan kong hospital. Yung ospital ng mga Davis, yung pagmamay-ari ng doctor ni lola. Napakalaki kasi ng hospital na yun at lahat gusto makapasok doon kaya ma-swerte ako na natanggap ako doon. Natupad na din ang pangarap ko na maging isang nurse.
Sumakay na kami ni Keith sa kotse niya na siya ang nagmamaneho.
Habang nagmamaneho siya ay napansin ko na panay ang tingin niya sa orasan na para bang may hinahabol.
Hindi ako mapakali kaya nagtanong ako.
"Keith, sabi ko kasi sayo kaya ko naman mag-commute o di kaya magpapahatid ako sa driver ni Kelly eh. Para hindi ka nale-late sa office mo lagi."
Saglit siyang lumingon sa akin saka binalik ang mga mata sa pagdri-drive.
"No need. I want to drop off my wife at work by myself. Ito nalang nga ang bonding nating dalawa lalo na we both work."
Napailing nalang ako dahil ayan na naman siya at parang pinapa-konsensya ako.
Simula kasi magkaroon ako ng trabaho ay hindi ko na siya madalas nakikita sa bahay o nakakausap man lang dahil minsan tulog na ako pag dumating siya dahil sa sobrang pagod sa trabaho sa hospital tapos inaasikaso ko pa si Kelly pag uwi ko sa bahay at nagluluto ng hapunan namin.

BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
Fiction généraleMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...