Ria's POVI was still contemplating kung makikipagkita ako kay Loraine.
Sabi niya sakin ay gusto niya daw akong makausap. She texted me the address kung saan kami magkikita pero hindi ako nagreply dahil hindi ko alam kung dapat ba akong makipagkita sa kanya.
Binasa ko ulit ang text niya.
We need to talk, Ria. I need to tell you something.
Nakaka-curious kung ano ang sasabihin niya sa akin. Naiinis parin ako sa kanya dahil sa nakita kong ginawa nila ni Keith. Kaya hanggat maaari, ayoko sana na makipag-usap sa kanya.
Ilang linggo na simula nung magfile ako ng annulment at alam ko rin na alam na ni Keith iyon. Nagtataka lang ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin siya nagpapakita sa akin eh ang sabi ng lawyer, ayaw niya daw makipaghiwalay sakin. Nagalit daw ito nung sinabi na nagpapa-annull na ako ng kasal namin.
Gusto kong matuwa nung nalaman ko na hindi niya gustong makipaghiwalay sakin pero masakit lang kasi parang wala naman siyang ginagawa para suyuin ako o para magkaayos kami. Nakakaiyak dahil ilang araw na din akong umaasa na makiusap siyang wag ituloy ang annulment. Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang mangyari sa aming dalawa.
"Mommy!" Tawag sakin ng anak ko. "Tita Loraine is outside."
Agad akong napaharap sa anak ko.
"Sino?"
"Tita Loraine," ulit ni Kelly.
Akala ko doon kami magkikita sa sinend niya na address? Bakit andito siya?
Tumango ako sa anak ko saka tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama at dumiretso sa labas.
Napakunot ang noo ko nung makalabas ako ng bahay. Totoo nga. Nandito nga siya. Ganun ba talaga siya ka atat na kausapin ako para puntahan ako mismo dito sa bahay? Mahalaga ba ang sasabihin niya sa akin kaya hindi siya makapaghintay? O baka maghihingi lang siya ng basbas ko na kunin sa akin si Keith?
"Ria—"
"Bakit ka napapunta dito?" tanong ko.
Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Gusto kong malaman bakit nandito siya.
"Alam ko kasi na hindi ka sisipot kaya ako nalang ang pumunta dito."
Hindi na ako nagulat kung bakit alam niya ang address namin. Baka si Keith mismo ang nagbigay sa kanya. Pero para ano?
"Ano ba ang gusto mong sabihin sakin?"
"Can we talk somewhere else? I don't want your children to hear what I'm going to say."
Ilang segundo ko siyang tiningnan para pag-aralan siya at ang sinabi niya bago ako nagdesisyon na pumayag. Seryoso kasi siya base sa mukha niya kaya mukhang mahalaga nga ang sasabihin niya sa akin. Pero bakit parang natakot ako? Ito na ba ang araw na hihingin niya sa akin si Keith?
Pumunta kaming dalawa sa malapit na coffee shop na walang masyadong tao sa loob.
"Mag umpisa kanang magsalita. Hindi ako magtatagal dahil hinihintay ako ng mga bata," sabi ko pagkaupo palang namin.

BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
Ficção GeralMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...