Reminder: This part of the story has scenes that are not suitable for very young readers. Narration of sexual activity may be offensive and awkward for some. If you are not open to such story lines please skip the chapter.
Jeffrey POV...
"Room 305", basa ko sa text niya.
Noong una ay hindi ako komportable sa napiling meeting place ng katext ko. He wanted us to meet in Eurotel in Las Pinas infront of SM Southmall. Hindi kasi ako sanay na pumasok sa mga ganung lugar.
Well, I do have experience getting in a hotel but never for the reason of getting into a hookup. Mag-iisang buwan ko na din katext itong si "Mr.Accountant" from PR and we had a lot of time exchanging text.
Marami sa PR ang hookups lang ang habol sa mga nakakachat nila and maybe part of me is saying "I am one of them". So what, I'm playing it cool naman and discreet ako sa mga ganung bagay.
At first, hookup lang din ang gusto ko dito kay Mr. Accountant but as the exchange of text keep on coming, medyo nag-iba ang timpla ko sa kanya. He has a lot of sense kausap. Hindi ako nabobore kapag magkatext kami.
Ang dami nyang alam sa mga bagay bagay and walang dull moments. Para bang ang tali-talino nya. Never had I received a text message from him na hindi ako nag-isip bago magreply. Ayoko din kasing magmukhang idiot kapag sumagot ako.
Although for the last month na magkatext kami, it is very seldom that he mentioned anything about his background. Sa tuwing magtatanong ako tungkol sa work nya, he always says that he doesn't want to talk about it. Change topic nalang daw kami.
When I ask for his facebook, ayaw din nyang ibigay. Sabi nya, he wants things to be very private dahil hindi daw alam sa kanila at sa work nya that he is into such activities.
Even when I ask for his name, he only tells me to call him as his name on PR, "Mr. Accountant". Kung tutuusin, kung sa iba lang ito, matagal na syang inignore. Kaso, there is something about this guy sa tuwing kami ay magkatext. And for that very reason kaya gustong gusto ko syang ma meet.
For the very first time, I want to meet a guy that I exchange number with on PR na hindi lang hookup ang reason. I really want to know this guy personally. Like know him really well. Siguro naman kapag magkasama na kami, kahit papano ay magkekwento na sya.
Nakaramdam ako ng resistance from him nung una when I asked him out for a dinner. Kasi sabi nya, he only do meet ups for hook ups. Sa isip-isip ko, that is a very common reason for meeting someone on PR but I can't blame him. Dun kami nagsimula ih. So kahit medyo reluctant, I did say yes to his set up. Meet up then hook up.
Infairness naman to Mr. Accountant, he knows how to pick a decent place to meet kahit na nga ba hook up lang main purpose nya. Eurotel is quite a rare place for gay guys to meet and hook up. Madalas kasi sa isang cheap motel lang pag ganun.
He said he'll text me the room number kapag papasok na daw ako. We decided to meet on a Saturday afternoon at 5pm. Sabi ko, "bakit parang ang aga naman yata ng 5pm. Hindi kaya may makakita sa atin nun?". Pero sabi nya, mas ok nga daw yung ganun mga oras kasi walang mag-iisip na hook up lang ang pinunta namin dun. Also, gusto din daw nyang makauwi ng maaga para hindi din magtanong sa kanila. Para lang hindi na humapa ang usapan ay pumayag nalang di ako.
"Nasa front desk na ko.", reply ko sa kanya.
"Ah miss, room 305.", sabi ko sa receptionist. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata ng receptionist kasi nahihiya ako.
"Wait lang sir.", tugon nito. Sandali itong tumalikod sa akin at may tinawagan sa phone. Marahil ang room 305 ang tinawagan niya. Ilang sandali lang ay bumalik na ulit sya akin.
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...