Dennis POV...
Tama nga ako. Tulad ng aking inasahan ay hindi nga sumabay sa akin pauwi si Sam. Kinakarir nanaman nya siguro yung presentation ng advisory class nya para sa Acquaintance Party. Kaya after kong makabalik ng faculty room at mailigpit ang mga gamit ay nagpasya na akong umuwi.
Muli ay doon ako sa dulong hallway ng University nagdaan. Habang naglalakad ay muli kong naramdaman ang maganda at payapang ambiance ng naturang hallway. Ang masarap na simoy ng hangin dito at ang mga bulaklak ng bougainvillea na parang kumot na nakabalot sa sementong pader ng University. Hindi ko talaga maiwasang hindi mapangiti sa tuwing dumadaan dito.
Habang naglalakad ay nagvibrate ang aking cellphone sa bulsa. Inaasahan kong si Sam ang nagtext dahil isang note lang ang iniwan ko sa cubicle nito na nagsasabing umalis na ko. Sigurado naman kasi akong iniwan nya ang cellphone nya sa kanyang drawer kaya hindi din nito mababasa ang text ko kung anu man.
Ngunit bahagyang napataas ang aking kilay nang mabasa kung kanino galing ang text --- kulit.
"Ano nanaman kaya ang meron sa taong to ngayon.", walang gana kong sambit sa sarili habang binabasa ang text.
"Ang sarap ng ihip ng hangin kapag maghahapon na noh. Ingat kayo sa paguwi. Uwian mode."
Agad akong nagpalinga-linga sa paligid. Hindi ko alam kung bakit biglang ganito ang aking naramdaman.
Pinanonood ba nya ako ngayon?
Nandito din ba sya sa lugar kung nasaan ako?
Bakit parang alam nya ang ginagawa ko?
Napuno ng agam agam ang aking puso at isipan. Hindi pwedeng malaman ng kahit na sino kung sino at ano ang mga ginagawa ko outside the University, outside my profession. Matapos kong mailibot ang aking paningin at masiguradong walang tao sa paligid ay mabilis akong naglakad patungo sa gate.
Agad akong sumakay sa unang jeep na dumaan at hindi na lumingon pa pabalik. Habang nasa biyahe ay tulala ako at malalim ang iniisip. Ginulo ni kulit ang isip ko ngayon dahil sa text nya.
"Hindi kaya napapraning lang ako.",bulong ko sa sarili.
Isang text lang yun. Marahil ay isang coincidence lang na parehas kaming papauwi na at parehas na masarap ang simoy ng hangin sa daan na tinatahak namin. Hindi naman ibig sabihin na parehas kaming nandun sa hallway ng University diba.
Buong biyahe ay wala akong ginawa kundi isiping mabuti ang tungkol sa tinext ni kulit. Kung kailan kami unang nagtext, kung ano yung mga napag usapan namin sa text na maaaring maging clue sa akin kung tiga saan ito. Kung saan ito nakatira. Kung saan ito nag-aaral. Kahit na ano. Basta magkaroon ako ng idea kung sino talaga itong si kulit.
"Dapat talaga hindi ako pumayag na makipag meet sa mas bata sa akin ih. Sakit talaga ng ulo kahit kailan.", ipit na bulong ko sa sarili habang binabagtas ng jeep ang kalsada pauwi sa amin.
Jefferson POV...
"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday to you.", ang awitin na gumising sa aking pagkakahimbing.
Nanlalabo pa ang aking paningin ng marinig ko ang awiting ito na marahang inaawit ng dalawang tao sa aking harapan. Marahan at kahit nakangiti silang dalawa sa akin ay ramdam ko sa mga tinig nila ang lungkot.
Sumandal ako paupo sa aking kinahihigaan upang salubungin ang kanilang pagbati. Pinagmasdan ko sila habang patuloy na umaawit at kahit halatang pilit ang mga ngiti sa kanilang mga labi ay pinagsusumikapan nilang huwag itong ipahalata sa akin.
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...