Den POV...
I go to school on a Monday morning na maganda ang mood. Hindi ako dumaan sa entrance gate like I normally do kundi dun sa likod, sa may corridor na may mga hanging bougainvillea.
Hindi mainit ang umaga. Maganda ang sikat na araw at masarap ang simoy ng hangin kaya maaliwas sa pakiramdam.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing maiisip ko kung paano sisimulan ang pagpaparamdam kay Jeff na gusto ko na sya talaga.
Dapat ba lagi ko syang tatawagin during lecture? Naku, baka isipin naman ng iba na favoritism yun.
Kung sya kaya ang bigyan ko madalas ng report or assignment para lagi ko syang nakakausap about its update?
Baka naman sabihin nun sya nalang lagi kong nauutusan. Baka bumaba ang grades nun dahil sa mga extra na ipapagawa ko.
Kung irequest ko na kailangan ko ng student assistant tapos sya ang gusto kong maging assistant, parang si Andrei lang?
Kaso ang alam ko may mga naka line up nang students para sa job offer na yun eh. Baka masilip nila kapag biglang naging assistant itong si Jeff samantalang sila ang nauna sa listahan. Tapos baka hindi naman nag-aapply si Jeff sa position, mas lalong obvious yun.
Hindi naman pwedeng sumabay ako sa kanila during break or lunch palagi. Hindi naman yun maganda sa paningin ng ibang mga estudyante. Also, si Jeff lang naman ang gusto kong makasabay nun eh.
Hayst...anu ba yan. Ang hirap naman kapag teacher ka talaga oh. Hirap pumorma. Hahaha.
Natawa nalang ako sa iniisip ko habang naglalakad. At ang mas nakakahiya pa ay ng lumiko ako sa isang corridor at may nakasalubong akong dalawang estudyante na parang naging kakaiba ang tingin sa akin.
Sino ba naman ang hindi kung makakakita ka ng taong naglalakad mag-isa tapos waring may kausap at pangingiti pa. Hindi ba parang weird lang.
Pagkalagpas nila ay natawa nalang ako sa sarili ko at masayang naglakad patungo sa faculty room.
"Good morning sir.", ang kabi kabilang pag greet sa akin ng mga estudyante habang naglalakad ako sa corridor.
"Ganda ng umaga natin sir ah.", bati pa ng isa ng mapansin siguro nito ang ngiti sa aking labi.
"I just wanted to start my day right.", ang tanging naging tugon ko.
Pagpasok sa faculty at pag-upo ko sa cubicle ay napatingin ako sa table mirror ko at hindi nga maitatago na maganda ang gising ko ngayon. Iba talaga ang epekto ng love sa tao, ang sa isip isip ko lang hahaha, pero hindi ko mapigilan eh.
Kinikilig ako ng hindi ko maintindihan.
And honestly, I never thought I will ever feel this thing in my life. Siguro hindi lang talaga ako naniniwala that in my case, such thing is possible.
Beep...beep...beep... notification sa email ko.
Binuksan ko ang naturang email
at ang kanina lang na magandang umaga ko.....................ay biglang nagdilim.
Jeff POV...
"Good morning sir... good morning maam.", ang bati ko sa lahat halos ng makasalubong ko. Isang magandang umaga ang dating sa akin ng araw na ito.
"Ang ganda ng gising ah.", bungad sa akin ni Ward pagpasok ko ng classroom.
"Syempre naman, Lunes na Lunes dapat maganda talaga dapat.",
"Siguro maganda ang naging convention nyo nung Sabado ano."
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...