Jeff POV...
Ano ba yan. Kakasabi ko pa nga lang sa sarili ko na didistansya na ako kay sir Den simula ngayon tapos ganito naman ang nangyari. Mas naging awkward tuloy ang sitwasyon.
Hindi ko na napansin pang tumingin sa direksyon namin si sir Den nung magtungo ito sa pwesto ni sir Sam. Kahit patuloy kami nina Andrie, Ward at Robin sa paglalaro sa ilog ay hindi ko maiwasang hindi sulyapan si sir Den mula doon. Marahil ay nagbabakasakaling lingunin nya kami dito. Kaso kahit pa nga ba todo na ang sigaw namin ay mukhang wala pa ding effect.
Nagdikit ang mga labi namin ni sir Den. Yun ang malinaw na nangyari at hindi yun mawaglit sa isip ko. At kahit malamig ang tubig sa ilog, namutawi ang mainit init na labi nito sa aking labi na nagbigay sa akin ng kakaiba at pamilyar na pakiramdam.
Alam ko naramdaman ko na ito dati ngunit mas mabuti siguro kung kakalimutan ko nalang.
***
"Guys, mukhang uulan. Madilim ang langit oh. Also, medyo malamig na ang simoy ng hangin.", tawag ni Lyka sa amin mula sa gilid ng ilog.
Parang dalawang oras palang kaming naliligo sa may ilog nang magdilim ang kalangitan. Tingin ko, ito yung madilim na ulap na naranasan namin kanina sa biyahe. Mukhang dito pa babagsak sa swimming namin ah.
"Oo nga siguro mas mabuti kung bumalik na tayo.", tawag naman si April.
Natigil kami sa paglalaro at nagpasyang umahon.
"Ito ang mga twalya. Mabuti pa nga na bumalik na tayo. Maputik ang daan pabalik kapag naabutan tayo ng ulan.", sabi ni Robin.
"Anu bayan, kainis naman oh. Kung kelan naman tayo nagkakasiyahan.", angal ni Ward.
"Kanina pa naman talaga maambon diba. Nagpatikim lang siguro ang init nung dumating tayo kina Robin pero uulan yata talaga dapat.", sabi ni Andrei habang nagpupunas ng katawan.
"Ok na yan, nakapagswimming na naman tayo kahit papaano. Ang besides, hindi naman talaga natin plano ang magswimming diba.", sabi ko naman.
"Wag na tayo magreklamo. Mahalaga, nakatikim tayo ng tubig ilog kahit papaano. Diba sir Den? Oh bakit parang natamik ka bigla?", tanong ni sir Sam ka sir Den.
"Ha?, wala nilamig lang ako.", tipid na tugon nito.
Hindi ako tinapunan ni sir ng tingin kahit konti. Parang iniiwasan nito na magtagpo ang aming mga mata.
"Oh sya, tara na mga guys. Baka abutan pa tayo ng ulan. April, mauna na kayo nina Lyka at Cristy. Susunod kami."
"Sige, sunod nalang kayo."
Hindi na kami nagsipagpalit muna ng mga basang shorts. Sa bahay nalang daw kami magpalit para makapagbanlaw ng ayos. Sumunod kami kina April sa paglalakad. Nauna samin si Robin habang kakwentuhan si Ward.
Nasa tabi ko kanina si Ward pero parang may magandang kwento itong si Robin sa kanya kaya sila ang magkasabay sa paglalakad. Si Andrei naman ay feeling close kina sir Den at sir Sam. Sa madaling sabi, naglalakad akong mag-isa sa hulihan.
Patuloy sa pagdilim ang kalangitan. Mas lumalamig na din ang ihip ng hangin. Idagdag pa na basa ang mga shorts na suot namin at tuwalya. Binilisan namin ang paglalakad para hindi kami abutan ngunit sadyang makulit ang kalangitan.
Ilang sandali pa ay nagbagsak ito ng malakas na ulan kasabay ang pagkulog at pagkidlat. Nagtilian sina April sa unahan at nagsimulang magtatakbo. Hindi naman nagpahuli sina Robin at tumakbo na din.
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...