Dennis POV...
"Hi din.", maikli kong reply sa gm ni kulit.
Matapos magpalit ng damit at magtoothbrush ay nahiga na ako sa kama. Usually, pagdating ko sa bahay ay nanonood muna ako ng TV ngunit kanina pag-uwi ay wala akong gana. Kahit ang mag merienda ay hindi ko na nagawa pa.
Agad akong pumasok sa aking kwarto at nahiga. Kahit puro pangungumbinsi sa sarili ang aking ginawa buong biyahe pauwi ay hindi ko magawang gapiin ang alalahaning nandun si kulit sa kung nasaan ako kanina.
Umiikot ang aking isipan habang nakatitig sa kisame. Lumipas ang ilang oras ngunit nanatili lamang ako sa ganitong ayos.
"Shet, walang mangyayari sa kin kung ganito lang ako.", inis na bulong ko sa sarili.
Kinuha ko sa ulunan ang cellphone ko at hinanap ang gm ni kulit. Hindi ako matatahimik nito hanggat hindi ako nakakasigurado na hindi nga ako kilala nitong taong ito.
Sandali kong tinitigan ang gm nito sa akin kanina at binasa ng paulit ulit. "Ang sarap ng ihip ng hangin kapag maghahapon na noh. Ingat kayo sa paguwi. Uwian mode.". Pilit akong humahanap ng link na magdudugtong sa iniisip kong chance na baka nakatingin ito sa akin kanina habang nandun ako sa hallway ngunit paulit ulit lang ako sa reasoning ko.
Hanggang naisip kong walang ibang paraan para makasigurado kundi ang replyan ang gm nito.
Inisip ko kung ano ang pwede kong i-reply dito. Yung hindi halatang guilty ang dating. Nagtext ito ng "hi" sa akin, bakit hindi ko replyan ng "hi" din diba? I typed in "hi din" then "send". Hindi ko alam kung rereplyan ako ng kulit na to pero mas mabuti na tong ganito. May ginawa ako.
Hindi ko pa man naibabalik sa ilalim ng aking unan ang cellphone ng mag vibrate ito. Agad ko itong kinuha at binasa ang message na nasa screen. Shet!, si kulit. Nagreply agad. Napaayos ako ng upo sa aking kama upang basahin ang text nito.
"Ui, gising ka pa pala. Musta?",
Hawak ang aking cp ay hindi ko alam kung paano ito rereplayan. Sa sandaling sagutin ko ito ay for sure magsisimula na ang koneksyon sa aming dalawa. Kailangan sa pagkakataong ito ay makilala ko kung sino itong si kulit na ito at nang malaman ko kung mayroon ba akong dapat ipangamba.
Iniisip ko kung ano ang maaari kong i-text hanggang sa naisip kong kumustahin nalang ito sa naging araw nya.
Dennis : Maayos naman. Nakahiga nagpapaantok. Ikaw ba, musta araw mo?
Kulit : Ayos lang. Hindi pa ko inaantok. Dito pa ko sa terrace namin, tambay.
Dennis : May choco-choco ka dyan?
Inisip kong magandang ideya yata ang magbiro ako ng kaunti upang hindi maging seryoso ang gagawin kong pagtatanong.
Kulit : hahaha, walang choco-choco dito sa bahay. Sa school lang meron nun.
Kulit : aba, narerecieve mo pala mga gm ko. Akala ko burado na ko sa cp mo ih.
So tama pala ako. "gm" nga talaga ang mga iyon. Gm din kaya yung naging text nya sa akin kaninang uwian?
Dennis : Nga pala, san ka nga ulit napasok?
Biglang tanong ko dito. Ilang minuto din bago ito nagreply.
Kulit : Pasensya ka na ah. Honestly, unknown kasi ang number mo sa phone ko. Hindi ko alam kung na-delete ko ba or na re-format pero pwede next question nalang? Hihihi
Dennis : OK
Kulit : Ui, baka naman na-offend kita.
Pinalipas ko muna ang ilang saglit nang hindi nagrereply. Feeling ko ay hindi ito makakatiis na hindi magtext kapag hindi na ako sumagot ih.
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...