Dennis POV...
Puno ng nakaitim na suit at magagarbong long gowns ang buong venue. Hindi mo halos makilala ang mga students dahil sa mga suot nila. Hindi mo talaga iisipin na ang mga ordinaryong estudyante sa klase mo ay magiging ganito kagaganda at kagagwapo kapag nag-ayos na. Dinagdagan pa ng mga mask nila dahil sa theme na "Masquerade", lalo ko tuloy hindi nakilala ang mga batang ito.
"Like, what is the point of having an acquaintance party kung hindi mo naman makikilala ang mga makakaparty mo diba dahil sa mask nila.", sabi ko kay Sam.
"That's the thrill on it pre. Makikipagkilala ka sa isang complete stranger diba. Kung pumayag na makipag-usap sayo then it's great. Kung i-reject ka naman, then no one can tell kung sino ka at kung sino ang nag-reject sayo."
Mahirap humanap ng table sa ganito kadaming attendees. Maging ang tables na nakalaan sa faculty ay parang compressed sa bandang unahan dahil sa dami ng mga estudyante.
"Parang hindi ko gustong maupo dun sa faculty table. Gusto mo hanap tayo ng iba?", alok sa akin ni Sam.
"Hindi ba parang awkward na tatabi tayo sa mga students?",
"Eh naka mask naman tayo kaya siguradong hindi din nila tayo makikilala?"
May point nga naman sya. Kung titingnan, hindi mo halos madidistinguish kung sino ang teachers at kung sino ang estudyante dito. Halos pare parehas na kami ng suot. Lalo na ang mga boys na puro black suit. Magkakaiba man ng tahi, black pa din. Halos sa mask nalang kami magkakaiba talaga. Ang totoo, sa oras na umalis sa tabi ko itong si Sam ay baka hindi ko na din ito makita pa.
"Oh sya, sige. Hanap nalang tayo ng table kung saan may bakante pa."
Lumihis kami ng lakad sa teachers table at naghanap kami ng iba. Lahat halos ng table ay occupied na ng mga students. Meron akong nakikita na vacant ngunit nandun na sa bandang likod.
"Sa likod nalang yata may mga vacant pre eh.", sabi ko kay Sam. "tingin mo dun....Sam...Sam?"
Sabi na nga ba eh. Mahiwalay lang itong si Sam sa akin, hindi ko na sya makikita. Nagpalinga linga ako, nagbabakasakaling mamataan ko sya ngunit dahil sa lahat ay halos iisa ang itsura ng suot ay hindi ko na ito nakita pa.
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa bandang likod upang maghanap ng mauupuan. Hindi din kasi ako ang tipo ng tao na ma-party o ma-bar. I prefer to stay at home and watch movies lang or nag-iinternet sa kwarto ko habang nakahiga. But due to call of "duty" I have to be here. Also, gusto ko ding suportahan syempre ang mga bata ko in their presentation later.
About 5 minutes of roaming the back area of the gym, may nakita akong table na hindi gaanong puno. Mga 10 yata ang pwede sa isang table and this table only consists of 5 students. Tapos yung dalawa lang yata sa kanila ang magkakilala, yung tatlo pang iba ay hindi din nagpapansinan. Parang napaupo lang dun.
Gusto ko sanang magtanong kung may nakaupo sa ibang mga seat pero sa lakas ng sounds, baka hindi din nila ako madinig. Sumenyas nalang ako sa isa sa mga nakupong lalaki kung pwede akong makiupo at tumango naman ito.
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...