Jefferson POV...
"Jeff, free ka today? Gusto mo lumabas? Nood tayo sine. Treat kita.", basa ko sa IM ni Howard.
After nung biro ko sa kanya na medyo hindi nya yata nagustuhan ay hindi ko na inulit pa iyon. Mabuti nga at hindi sya tuluyang nagalit sa akin. Howard is by far the closest person in my very confused and mind-blanked situation right now and I can't afford to lose him now.....nor ever.
"Wala naman. Sige I'm good. Saan ba tayo? What time mo gusto?", sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Gusto mo, dyan nalang tayo sa SM Muntinlupa para hindi ka na lumayo. And if you want, pwede kitang daanan sa inyo para sabay na tayong pumunta dun."
"Dadaanan mo ako? Alam mo ba kung saan ako nakatira?", dudang tanong ko dito.
"Hindi....hehehe. Ibig kong sabihin, malapit ka lang yata sa SM. Kung gusto mo, magkita tayo somewhere na malapit sa inyo para sabay na tayong pupunta dun.", agad na reply ni Howard.
"Ah ok... pero gusto ko sana sa iba naman. Lagi ko na kasing napupuntahan yun. Pwede ba sa Festival Mall nalang tayo. Kung ok lang naman sayo?".
"Sure, no problem. Basta kung saan mo gusto dun tayo. So, kita tayo Festival ng mga 12nn, ok na ba yun sayo?"
"12nn talaga?, dun na ba tayo maglulunch?".
"Pwede din naman. Bakit hindi ka ba pwede ng ganung oras?".
"Pwede naman siguro. Papaalam lang ako kina mommy and daddy. Nasa baba kasi sila ngayon. I'm sure nagluto si mommy ng pang lunch namin."
"Ah ganun ba. Sige wag nalang. Gusto mo after nalang nun. Baka magalit pa sila sayo eh."
"I'll try and ask them. Then message kita kung pwede ako. Ok lang ba?"
"Sige, wait ko..... and Jeff, thank you ah."
"Para san?"
"Dahil pumayag kang lumabas today."
"Ano ka ba, wala yun. Sige, magsasabi na ko sa kanila. Then sabihan kita agad."
"Ok.."
Nung una ay atubili akong magpaalam kina mommy na lalabas ako. Bukod sa hindi pa ako ulit nakakalabas mag-isa simula nung magsimula ang semester, tumapat pa talaga sa lunch namin. Dahil laging busy sina mommy and daddy sa mga work nila, importante para sa amin ang weekend at ang pananghalian dahil ito lang yung oras na magkasama kaming tatlo.
Naabutan kong nakaupo si daddy sa harap ng TV at nanonood ng movie. Si mommy naman ay nasa kitchen. Tulad ng inaasahan ko, nagluluto sya ng adobo, her specialty at favorite namin ni dad.
"Mom....dad.....pwede po ba kong magpaalam?", lakas loob kong pasimula sa mahinang boses.
Parehas silang napatingin sa akin at itinuon ang pansin. Daddy turned the TV on mute at humarap sa akin. Si mommy naman ay ang nagpunas ng kamay at pinahina ang apoy ng kalan upang humarap din sa akin.
"Ah...... nagyayaya po kasi si Howard na lumabas. Yung classmate ko po. Nood daw kami ng sine. Pwede po ba akong sumama?",
Nagkatinginan sina mom at dad bago muling ipinaling sa akin ang kanilang mga tingin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nilang pareho. Napatayo si dad sa sofa at namaywang. Si mom naman ay huminga ng malalim at tumingin kay dad.
"Ok lang naman po kung hindi nyo ko papayagan. Sabihan ko nalang si Howard na hindi tuloy.", pangunguna ko sa maaaring sabihin nila sa akin.
I was about to turn around and head my way back upstairs ng marinig ko ang boses ni dad.
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...