Chapter 27 - The Getaway

106 14 2
                                    

Den POV...

Kinalunesan ay pumasok ako na may ngiti sa aking mga labi. Matapos ang maigsing pagbisita namin ni Jeff sa coffee shop nina Mikhael ay inihatid ko na ito sa kanila. Nagulat pa nga ang ninang nito ng dumating kami ng dis oras ng gabi.

Bakas sa mukha nito ang pagkabigla at pag-aalala. Mabuti nalang at kasama ako ni Jeff at naka kotse naman kami kaya hindi na ito masyado pang nag-usisa.

"Hindi naging maganda ang pakiramdam at hindi makatulog ng ayos" ang naging dahilan ni Jeff sa ninang nito kung bakit sya umuwi ng ganung oras. At bilang adviser niya ay hindi ko naman ito pwedeng hayaang umuwi ng mag-isa.

"Naging maayos naman ba ang pagtatapos ng usapan nyo nung bata mo? ", tanong ni Sam pagkababang pagkababa ko ng gamit sa table.

"Maayos naman.", tugon ko. "Naging magandang example ko sa kanya yung naging sitwasyon nina MJ at Mikhael kaya naging maayos naman ang naging pagtanggap nya sa mali nyang ginawa."

"That's great. Kung ganun ok na sya. "

"For now, yes. Sana lang magtagal yun."

"Sa ngayon, ok na siguro ang ganyan. Oh sya, punta na ko sa klase ko. Baka malate pa ako."

"Sige sunod na ako. May klase na din naman ako ih."

The entire morning went well. Parang ngayon lang gumaan ang vibes ng lugar na ito since magstart ang semester. I like the feeling I am having paglabas ko sa bawat klase. Kahit during lunch, masaya kaming kumain ni Sam sa usual naming tambayan sa puno ng acacia sa likod ng school.

Afternoon session, I was walking along the corridor ng mamataan ko sina Jeff at Ward kasama ng mga classmates nito na nagkekwentuhan infront of their classroom. Hindi marahil napansin ng mga ito ang aking paglapit kaya tuloy lang sila sa pagkekwentuhan.

"Ano tuloy na tayo ah. Wala ng atrasan?!", sabi ni Robin.

"Count me in.", tugon ni Ward. "Kaw Jeff? Sama ka ah."

"Ah, magpapaalam muna ako. Medyo malayo yata yun ih. Tsaka hindi pa ako nakakarating dun. Parang nakakakaba lang."

"Yun nga ang exciting dun ih. Tsaka bahay naman namin ang pupuntahan natin dun kaya walang problema. Nandun mga relatives namin.", convince ni Robin.

"Ewan ko Robin. Pero magpapaalam ako para....... Ay sir good afternoon po.", biglang bati nito sa akin nang mapansin nitong nasa likod na nila ako.

"Good afternoon sir.", sabay sabay na bati nila Ward at Robin.

"Good afternoon din. Bakit nandito pa kayo sa labas. Kanina pa ba lumabas ang prof nyo kaya nandito kayo? "

"Hindi naman sir. Kakalabas lang ni maam del Rosario. May pinag-uusapan lang po kami kaya nandito kami sa labas."

"Ganun ba, well nandito na ako. So, pasok na kayo.", malamig kong sabi to impose respect.

"Sir gusto nyo pong sumama? ", biglang yaya ni Robin nang papasok na sina Jeff at Ward.

"Sasama saan?"

"Birthday po ng lola ko. Lagi pong isang malaking reunion yun ng family namin sa province kaya umuuwi ang lahat. I'm inviting some friends over kasi malaki naman po yung place namin dun."

"If it's a family reunion, why bring friends along? Hindi ba dapat family lang."

"Yun nga po sir ang problema dun ih. Hindi ko naman po ka-jam ang lahat ng mga relatives namin. Hindi ko na nga po kilala ang marami sa kanila. We are a big family sir. And bringing friends with me will make my visit less....boring hihi."

I Love You, B13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon