Jeff POV...
"San mo gusto magmerienda mamaya Jeff? Gusto mo dun tayo ulit sa may puno sa likod after nating bumili ng turon at gulaman dun sa may gate?", pagyaya sa akin ni Ward.
"Jeff kakatapos palang ng lunch, kakain na tayo ulit?",
"Eh ano naman. Mamaya pa naman yun ih. Para at least hindi na tayo mag-iisip pa kung saan kakain diba?, oh ano, dun na tayo?"
"Sige sige. Dun nalang."
Mukhang hindi totoo ang kasabihang "change is the only thing that is constant in this world" kay Ward. Kahit kelan, sobrang concerned ito sa akin. Lalo na pagdating sa pagkain. Ang totoo, sya ang tumulong sa akin para makalimutan si sir Den habang nabiyahe kami mula Lucban.
Walang tigil sa kakakwento itong si Ward habang nasa biyahe kami. Kahit gusto ko munang umidlip dahil mahaba pa naman ang biyahe, hindi ko magawa. Laging may kwento itong sasabihin.
Gustong kong tuparin ang binulong ko sa aking sarili matapos mapag-isipan ang lahat ng napagkwentuhan namin ni sir Den, ang tuluyan ng kalimutan si Mr.Accountant. Pasalamat nalang siguro ako sa kanya, na kahit minsan sa aking buhay ay nakaramdaman ako ng ganun para sa isang tao.
Buong araw ay hindi ako nilubayan ni Ward. Sa bawat klase namin ay nakadikit ito sa akin. Magkatabi kami ng upuan syempre ngunit iba ang pinapakita nitong pagiging "clingy" ngayon. Palagi itong naka akbay sa akin, minsan nahuhuli kong nakatitig habang nagtuturo ang instructor namin sa gitna, at isang beses nahulog ang ballpen ko halos magkumahog ito na pulutin yun.
Medyo naiilang na ako sa inaasal ni Ward pero at the same time, natutuwa. Hindi ko alam kung napapansin nitong may iniisip ako at medyo wala sa mood pero dahil sa mga ginagawa nya ay naiibsan ito ng kaunti.
At syempre, hindi din nawawala si Robin sa eksena.
Mabuti nga at nandun sila sa bawat eksena namin sa room. Sa tuwing magkakaroon ng group activity, nangunguna talagang maging kagroup ko itong si Robin. Tapos, sesegundahan naman ni Ward. Hindi ko alam kung anong meron sa dalawang ito, parang laging contest na makagrupo ako.
"Valdez and Locsin, kayo nanaman ang magkakagrupo nina Ledesma. Hindi na kayo naghiwalay.", puna ni Mr.Meneses isang beses ng nagroup activity kami sa UCSP.
"Sir kapit po sa matatag.", ang nakakalokong tugon ni Robin.
"Nga sir, para panalo agad.", segunda naman ni Ward.
Ako naman ay hindi makaimik sa sinabi ng dalawa dahil nagtinginan ang buong klase sa amin. Ngumiti nalang ako at tumungo pagkatapos.
Maging breaktime, nakasunod ang dalawa sa akin. Kung nasaan si Ward, nandun din si Robin. Minsan nga iniisip ko na takasan tong dalawang ito para tumahimik naman ang mundo. Kaso, maging sa restroom, nakabuntot ang dalawa sa akin.
"Oh ano, dun ba tayo ulit sa likod mamaya? Sa puno ng acacia?", singit ni Robin sa likuran namin ni Ward.
"Parang ganun na nga. Yun ang balak ni Ward eh.", tingin ko kay Ward na parang ngumisi lang at nag-ayos ng upo.
"Sabay sabay na tayo mamaya ah.", pagtatapos ni Robin.
"Ok."
Den POV...
"Huy!, mamaya pa basag na yang phone mo sa kakatuktok mo nyan sa desk mo.", panggulat na bati sa akin ni Sam. "Ano bang iniisip mo?"
"Wala, pwede bang nanahimik lang ang tao.", tanggi ko.
"Sir Den, maglolokohan pa ba tayo?"
Yes, Sam is correct. Like he is always kapag may iniisip ko. "Kakalimutan ko na si Mr.Accountant", ang naiwang statement sa akin ni Jeff bago kami magsipag-uwian from Lucban.
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...