Chapter 30 - Post It

90 13 6
                                    


---

"Pagkakataon mo na to para masolo mo sya. Wag mo ng palagpasin."

"Alam ko ang gagawin ko, wag mo akong pangunahan. Ang trabaho mo ang isipin mo."

"Oh don't you worry about me. No one will suspect. He wouldn't"

---


Den POV...

Hindi ko pa nga ba nahahanap yung taong magbibigay dapat ng direksyon sa buhay ko?

Hindi ko na nagawa pang sagutin ang katanungang iyon ni Jeff dahil ilang sandali lang at nakarinig na kami ng tricycle na paparating. Parehas nakuha ng tunog nito ang atensyon namin ni Jeff at nang makalapit sa amin at pumarada ay lulan nito sina Andrei at Howard.

Agad bumaba ang dalawa matapos magbayad kay manong at agad ikinarga ang binili nilang gasolina sa sasakyan.

Hindi na nakasegunda pa si Jeff ng dumating ang dalawa. Basa ko sa mga mata nito ang interes na madinig ang sagot ko sa tanong nya, pero hindi ko na itinuloy pa....siguro dahil baka makwento ko pa ang isang bagay na pinili kong ibaon nalang sa alaala.


Flashback...


"Musta yung inaplayan mo sir. Ok na ba?", magiliw na tanong sa akin ni Sam isang hapon habang nagmemerienda kami sa foodcourt.

"Ok naman. Naging maganda naman ang demo ko. Ok din ang interview ko sa principal at mukhang maganda naman ang feedbacks nila sa akin."

Wala pang isang linggo ng makagraduate kami ni Sam ay naghanap na agad ako ng mapapasukang school ngunit parang ako lang ang seryoso nun. Si Sam kasi, sabi nya, baka daw pwedeng magpahinga muna sya kahit isang taon bago tuluyang magtrabaho.

Mabuti pa sya, may pagkakataong magpahinga muna. Ako kasi, wala.

Dahil hindi pa ako nakakapagboard exam, nag apply muna ako sa isang private school na malapit sa college kung saan kami nagtapos ni Sam. Ang totoo ay hindi ako nahirapang makapasok sa school na yun dahil parang sister school iyun ng college namin.

"Eh di dapat pala i-celebrate na natin ang first work mo sir."

"Celebrate kaagad hindi pa nga pasok."

"Sure na yan hired ka na. Tara, kain pa tayo!"

Sure enough, nung uwi ko nga sa bahay ay nakatanggap ako ng tawag mula sa guidance ng school na magreport na ako kina-lunesan at dalhin ko na ang mga requirements ko.

Tuwang tuwa ako nun, unang trabaho syempre eh. Hindi na ako makapaghintay malaman kung anong level ang tuturuan ko, kung may advisory class ba ako, at kung ano ang ituturo ko.

Until I was assigned to handle grade 10 students, first section. It is quite challenging to handle students in section one actually pero inisip ko nalang na training grounds ko iyon. The principal assigned me to teach Mathematics and Physics.

Dahil unang trabaho, hindi na ako nagreklamo pa kahit pa nga ba hindi ko gamay ang Physics, sige nalang.

The first week of my teaching job went very well. Ang totoo ay na eenjoy ko sya talaga. Ang sarap ng feeling na ako na mismo ang teacher sa isang classroom. May tumatawag sa aking "sir", may nakikinig sa akin kapag nagtuturo ako, feeling ko ang tali-talino ko hahahah.

Iba ang pakiramadam ng hinahangaan ng mga students. Fresh graduate ako nun at hindi maikakailang bata pa ako at may kagwapuhan.

Isa sa pinaka effective na motivational strategy ng isang teacher ay ang kanyang itsura. Hindi ako napasok sa classroom ng hindi naka wax ang buhok, walang pulbo ang mukha at hindi naliligo ng pabango, Lacoste red is my favorite. Talagang sa tuwing naglalakad ako sa corridor, hindi lang teachers ang humahabol sa akin ng tingin, maging ang mga estudyante.

I Love You, B13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon