Dennis POV...
"Are you sure hindi ka gutom?", tanong ko kay Ledesma habang naglalakad na kami palabas ng subdivision. Tuluyan na ngang umalis sina Locsin at Valdez papunta sa di umanong emergency ni Locsin. Para namang hindi ko alam kung saan talaga pupunta yung lokong yun. At itong si Valdez, talagang ginatungan pa ang palusot ni Locsin. Hindi na nila inisip si Ledesma.
"Ok lang ako sir.", matipid na tugon nito sa akin. "besides, wala na din namana kong makakasabay sa pagkain ih."
"Ako, hindi ba kita pwedeng sabayan?",
"Naku sir, nakakahiya naman po. Tsaka hindi pa naman talaga ako gutom."
"Siguro ikaw hindi. Ako kasi ginutom sa paghihintay sa inyo. Idagdag mo pa yung paglalakad natin kanina na talaga namang nagpaubos ng lakas ko.", ngiting sabi ko dito.
"Sorry sir, hindi naman po namin alam na hindi pala kayo sanay maglakad."
"No, I am. I love to walk. That is part of my exercise actually. Kaso hindi ko lang akalain na ganito kalayo ang lalakarin natin. Parang hindi lang ako masyadong naging prepared kanina."
Hindi kumibo si Ledesma. Patuloy lang itong naglalakad sa tabi ko.
"So.......kain tayo?", basag ko sa katahimikan.
Isang nahihiyang tingin ang isinukli sa akin ni Ledesma.
"Sige na, halika ka na. libre na kita."
"Naku sir mas lalong nakakahiya po."
"Mas nakakahiya kung ako ang magpapalibre sayo diba.", biro ko dito. "Kaya tara na. Wag ka nang papipilit pa hahaha."
"Sige na nga po. Salamat po sir."
"Alam mo ba kung saan dito yung burger na sinasabi nila Locsin kanina?"
"Yes sir, nandun lang po yun sa kabilang street malapit lang po dito."
"Ano, dun nalang tayo?",
"Sige po, kayo po bahala."
Naglakad kami papunta dun sa burger house na sinabi nila kanina. Nanatiling tahimik si Ledesma habang naglalakad. Hindi ko alam kung nahihiya pa din ito sa akin. Kung sa bagay, kanina kasi ay kasama namin si Locsin sa paglalakad kaya ok lang. Medyo awkward na nga naman kung kayong dalawa nalang ng instructor mo ang naglalakad.
"Pasensya ka na pala kanina ah.", sabi ko dito na medyo ikinabigla nya.
"Para saan po sir?"
"Sa biro ko kanina. Hindi ko alam na sensitive ka pala."
"Naku sir, wala po yun.", depensa nito. "hindi lang po ako sanay pa na tumanggap ng biro mula sa inyo."
"hahahaha.. sa bagay. Kayo naman ni Locsin ang laging magkasama eh. Mabuti nga at naging close kayo nun. Akala ko lagi nalang kitang makikita dun sa puno ng acacia sa likod ng school eh."
"Oo nga sir. Thankful din po ako dahil nandyan si Locsin. Talagang makulit yung lokong yun. Lagi nya akong binibiro kapag breaktime kaya hindi na ako tahimik palagi."
"Mabuti naman kung ganun."
"Dati kasi sir puro nalang cellphone ang hawak ko.Gm ng gm kahit wala namang nagrereply hahahah, aksaya lang ng load."
"Gm??", tahimik na tanong ko sa sarili.
"Ay sir andito na tayo.....", putol nito sa akin. "Welcome sir sa Burger Garage!!"
"Burger Garage?"
"Yes sir, Burger Garage. Kasi nandito lang sya sa garahe ng isang bahay."
Make sense, isang extended na bahay nga lang naman sya hanggang garahe na ginagawang burger house.
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...