Chapter 38 - The Rewards (Pre-Finale)

104 11 3
                                    

Den POV...

"Congrats sir Den!, sabi ko naman sayo makukuha mo yan eh.", masayang bati sa akin ni Sam

"Salamat Sam. Hindi ko din inaasahan na maapprove ang application ko para sa scholarship na yun. Medyo tuliro kasi ako nitong mga nakaraan buwan."

"Yeah, I know. Isipin mo nalang na this is very timely."

"Paano naman to naging timely?"

"You are taking your sabbatical leave diba. Hindi pwedeng hindi. Nasa agreement yung minimal working hours lang sa work while being a scholar, hindi mo kakayanin yung ganun oras kung natatrabaho ka dito."

"May point ka dun."

" Besides, ang laki kaya ng allowance mo sa scholarship na yan. Halos mas malaki pa sa sweldo mo dito monthly."

"Oo naman, nagulat nga din ako sa laki nun eh."

"So, wag ka ng mag-isip. Go na agad!"

"Yeah, I will."

"We have to celebrate!!"

"Syempre naman. Pero may gusto lang muna akong gawin bago matapos tong semester na to."


Ward POV...

"Sa wakas! Tapos na din ang finals haha!", pagbubunyi ko.

"Oh diba sabi sayo kakayanin mo yan eh.", pagbibigay motivation sa akin ni Jeff.

"Salamat ng madami ah. Hindi lang dahil hinayaan mo kong mahalin ka kundi dahil tinulungan mo akong makabalik mo ako pag-aaral."

"Syempre naman Ward. Ikaw pa ba ang hindi ko aalalahanin. Lakas mo sakin eh hahaha."

"Owwss, totoo ba yun!?"

"Hahahaha!!", ang malakas naming tawanang dalawa.

"Pero Ward hindi lang ako ang dapat mo sigurong pasalamatan.", putol nito sa tawanan namin.

"Anong ibig mong sabihin? Sino pa?"

Ngumuso si Jeff sa likuran ko, waring may itinuturong kung sino. Lumingon ako at nakita kong nag-ayos ng bag nya si Robin.

Matapos ang away namin nung nakaraan sa may puno ng acacia, hindi na ulit ako nakipag-usap pa kay Robin. Ilang beses akong nakatanggap ng tawag at text dito ngunit hindi ko sinasagot. Maging messenger ko ay napuno ng pm nya pero "seen" ko lang lahat.

Sabi ni Jeff, nakiusap daw si Robin sa kanya na tulungan itong mapabalik ako sa pag-aaral. Noong una ay hindi ako naniniwala kay Jeff dahil hindi ganun ang pagkakakilala ko dito pero baka naman may part kay Robin na hindi ko pa din talaga kilala.

Nung makabalik ako sa school ay kinausap kong lahat ng instructors ko at nagpaliwanag kung bakit ako nawala. All throughout, hindi ako iniwan ni Jeff. Kasama ko sya sa pagpapaliwanag sa mga ito. Madalas nga, sya na tong nagsasalita para sa akin mapagbigyan lang akong bumalik at makahabol.

Madalas kong nahuhuli si Robin na nakatingin sa amin kapag lumalabas kami ni Jeff pero parang automatic na dito ang agad paglingod sa iba at paglayo sa tuwing lumilingon ako.

Totoo nga kayang nagbago na si Robin o baka naman may binabalak lang itong masama kaya nagbabiat-baitan?

"Hindi ako sure Jeff kung kaya ko nang kausapin si Robin eh."

"Hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Pero isipin mo sana kung ano ang sinakripisyo na para lang makabalik ka dito."

"Sinakripisyo? Meron ba?"

I Love You, B13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon