Dennis POV...
Lumipas ang ilang mga linggo ng first semester at nagsisimula nang dumami ang gawain ng mga estudyante. Kabi-kabilang mga assignments, projects, reports at ang kinaayawan ng karamihan, ang research.
Lahat halos ng klase ay busy sa kani-kanilang mga gawain. Nakakatuwa lang pagmasdan dahil lumalalabas na mas aktibo pa ang mga Senior High kumpara sa mga College students ng University. Marahil ay iba na talaga ang interest ng mga nasa tertiary kumpara sa mga nasa senior na dala pa din ang pagiging active nung junior pa sila.
Naging regular ko na ding nakikita si Ledesma sa upuan nya. Wala na din yung madalas na report sa akin ng mga instructors nila na "wala nanaman si Mr. Ledesma ka klase ko kanina". At sa tuwing itatanong ko naman sa mga kaklase nito kung nasaan sya, hindi daw nila alam.
Ngunit may kung ano sa akin na nagsasabing, alam ko kung saan ko sya makikita. Sigurado akong nandun sya ulit sa puno ng acacia sa dulo ng University, mag-isa at umiinom ng favorite nyang choco-choco at nagtetext.
Mula sa malayo ay pinagmamasdan ko sya sa tuwing nandun sya at hindi ulit pumasok or nagcutting sa klase nya. Lagi syang tulala sa malayo. Paminsan minsan ay nahuhuli ko syang ngumingiti nalang bigla na waring may nakakatuwang pumasok sa kanyang isipan.
Minsan naman ay nakikita kong cellphone lang ang kasama nya. Nagtetext siguro or naglalaro ng kung anong games nya, hindi ko alam. Pero maging sa klase ay napapansin ko din na lagi itong nakahawak sa cellphone nya. Isang beses ay napagsabihan ko itong huwag ilalabas ang phone nya during class hours dahil bawal yun at sumang-ayon naman sya sa akin ng walang pagtanggi.
Ngunit minsan ay nahuhuli ko ito, hindi lang tuwing nagkaklase ako, na nagamit ng cellphone sa iba din nitong mga klase. Patago nga lang kya hindi nahuhuli ng mga instructors nya.
Bilang adviser ng klase nila, obligasyon kong alamin ang background ng mga estudyante ko for reference ng kanilang possible class performances. Kahit pa nga ba halos college na itong mga ito, hindi pwedeng hindi ko pa din alam ang mga ganung bagay sa kanila.
Most of them have common family backgrounds as how I see in their student profiles and anecdotal records maliban sa isa, kay Ledesma. His portfolio is very impressive. He has numerous awards from different in and off campus competitions sa dati nyang school. His academic performances are outstanding as well. Walang negative records whatsoever. Pero bakit parang hindi ganun ang nakikita ko sa kanya ngayon?
When I ask most of his classmates ay walang masabi ang mga ito na complement sa mga records nya. Hindi daw nila ito laging nakakasama sa activities nila sa classrooms. Mas prefer daw ni Ledesma na gumawa mag-isa at hindi nakikihalubilo sa kanila.
Hindi mababa ang mga scores nito sa ibang subjects. Responsible din ito sa kanyang mga deadlines ngunit laging mag-isa ito kung gumawa. He doesn't involve himself to anybody in his class. He always works alone.
"Naisip mo na ba ang i-pepresent ng section mo sa Acquaintance Party?", basag ni Sam sa aking katahimikan.
"Anu ulit yun?"
"Hay naku, malalim nanaman po ang iniisip ng isa dyan...Ang sabi ko kung may i-pepresent na kayo for the Acquaintance Party?", pag-ulit nito sa tanong nya.
"Oh shit, oo nga pala. Lahat nga pala ng first year dito kailangan mag present.", gulat ko. "Bakit hindi mo naman pinaalala sa akin. Wait, yun ba yung pinapractice nyo ng section mo recently?".
"Hehehehe, mismo. Syempre, hindi ako papayag na matalo kami ulit noh kaya kinakarir namin ang practice.", pagmamayabang nito sa akin. "Isa pa, hindi na ko papayag na matalo ulit tayo sa Computer Department. Sila nalang lagi ang nananalo. Hindi naman sila talaga magaling ih. May advantage lang talaga sila pagdating sa technology kaya laging bumebenta yung kanila."
BINABASA MO ANG
I Love You, B13
Romance"Kung alam mo lang na MAHAL na din kita, sana ay kasama pa kita hangang ngayon. Kung naging matapang lang ako, di sanay nakita ko pa ang iyong mga ngiti kahit sa huling sandali. Hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Mapatawad mo sana ako kung na...